^

PSN Showbiz

Angeline, pinagtitiisan ng BF tuwing nagtatampo

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline, pinagtitiisan ng BF tuwing nagtatampo
Angeline at BF
STAR/ File

Mula nang nagbuntis si Angeline Quinto at nagsama na sila ng kasintahan sa iisang bubong. Ayon sa singer ay malaking bagay na mayroon siyang katuwang sa kanyang pagdadalang-tao. Matatandaang pumanaw ang kinilalang ina ni Angeline na si Mama Bob noong 2020. “Kasi siyempre si Mama no’ng nawala ang laking kakulangan sa akin eh. No’ng si (kasintahan) naman nag-stay sa bahay, parang may isang tao uli na gigising ka, tapos siya magsasabi tungkol sa trabaho ko,” bungad ni Angeline.

Katulad ng ibang magkarelasyon ay nagkakaroon din ng mga tampuhan ang singer at ang nobyo. Agad naman umanong nagkakaayos ang magkasintahan kapag mayroong mga hindi pagkakaunawaan. “Kapag naiinis nga ako, alam ko naman sa sarili ko na ‘pag normal ako, hindi ganyan eh. Tapos siya lang ‘yung nagsasabi na, ‘Alam ko kasi buntis ka, lagi niya akong iniintindi, ako rin, naglalambing sa kanya, sasabihin ko sa kanya, ‘Babe, sorry, alam ko ‘yung mali ko tapos magso-sorry na rin siya. Sinabi niyang mas gusto niyang nababantayan ako habang buntis ako,” pagbabahagi ng singer.

Sa susunod na buwan nakatakdang iluwal ni Angeline ang kauna-unahan nilang supling ng kasintahan.

Julia, ‘di na nakatanggi na mag-underwear sa eksena

Nagsimula nang tumanggap si Julia Barretto ng mature roles. Sa pelikulang Bahay Na Pula ay mayroong eksenang naka-underwear lamang ang aktres. Mayroon ding rape scene ang dalaga sa naturang proyekto. “Ibang-iba talaga ito sa mga nagawa kong pelikula. It’s a leap of faith I have to take. After all, it’s part of growing up and growing old if I really want to be committed to and passionate with my craft,” bungad ni Julia.

Matutunghayan din ang pagka-daring ng aktres sa bagong pelikulang Expensive Candy. “I recently shot another film which also required a lot of courage on my part. So little by little, nakakagawa ako ng kind of daring sexy films. It’s not just about doing love scenes or doing daring things for the first time. It’s part of your willingness to show how committed you are in your profession as an actress. Ayoko rin namang masyadong magkaroon ng limitations. Kasi siyempre parang binibigyan ko rin ng limitations ‘yung mga taong nasa likod ng creative process ng pelikula. So you have to give them that trust because they’re giving me their trust and malaking bagay kasi sa akin ang pinagkakatiwalaan ako. So as much as possible, pinahahalagahan ko ‘yon, iniingatan ko ‘yon. I’m 24, tumatanda na rin ako. So wala na akong excuse na umayaw,” paliwanag ng dalaga.

Kahit tumanggap na ng mature roles ay hindi raw nangangahulugang ididiretso na ito ni Julia. Sa pelikulang The Seniors na mapapanood simula ngayong March 20 ay wholesome namang muli ang karakter ng aktres. “I play Diana, a city girl from Manila na lumipat sa province at ‘yon, she’s a game changer kaya na-threaten sa akin ‘yung mean girls doon sa school and hina-harass nila ako,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with