^

PSN Showbiz

Geneva Cruz sarhento na ng Philippine Air Force reserve command

Philstar.com
Geneva Cruz sarhento na ng Philippine Air Force reserve command
Litrato ni Geneva Cruz
Mula sa Instagram account ni Geneva Cruz

MANILA, Philippines — Opisyal nang parte ng reserve command ng Philippine Air Force ang Kapuso singer-actress na si Geneva Cruz, bagay na bitter-sweet niyang sinalubong dahil hindi na ito naabutan ng pumanaw niyang ina.

"Today, I step in my boots and flaunt my badge as a proud member of the Philippine Air Force's reserve command," wika ni Geneva sa kanyang Instagram post, Miyerkules.

"Sergeant Cruz, ready to serve and protect."

Ayon sa multi-platinum singer na kilala para sa awiting "Anak ng Pasig" at "Kailan" ng bandang Smokey Mountain, matagal na siyang nahahalina sa buhay sundalo.

 

 

Bagama't madali raw iromantisa ang matikas nilang uniporme, disiplina at katapangan sa gitna ng digma, malaon ay natutunan niyang maiintindihan lang niya itong tunay oras na suotin na ang kanilang bota.

"It's been said that the unexamined life is not worth living, and I agree. But today, as I grow bolder, wiser, and take up the cudgels for women's empowerment, I say that a meaningful life is worth dying for," dagdag pa niya.

"No, this isn't a movie or a teleserye; it's real life. If you have doubts if I truly deserve this badge... Maybe you should enlist, too; it's time to put your money where your mouth is, and It's never too late to make something out of your life instead of belittling and frowning upon another person’s passions and truth."

Pinasalamatan naman niya ang Flight Charlie matapos siyang gawaran ng kanyang tsapa, lalo na't natutunan niya raw ang "tunay na ibig sabihin" ng kapatiran: "This goes out to my mama in heaven, my children, and me."

Sasamahan ni Geneva ang mahabang listahan ng mga aktor at aktres na naging reservist ng militar, gaya na lang nina Gerald Anderson, Matteo Guidicelli,  Arci Muñoz, atbp. — James Relativo

GENEVA CRUZ

PHILIPPINE AIR FORCE

RESERVIST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with