^

PSN Showbiz

Atasha nina Aga at Charlene, tatapusin ang pag-aaral bago mag-showbiz

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Atasha nina Aga at Charlene, tatapusin ang pag-aaral bago mag-showbiz
Atasha
STAR/ File

Hindi kasama ngayon nina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach ang kambal na anak sa Pilipinas. Kasalukuyang nasa London si Atasha habang nasa Spain naman si Andres upang mag-aral ng kolehiyo.

Ayon kay Aga ay hindi naging mahirap para sa kanilang mag-asawa na lumisan pansamantala ang kambal na anak. “Honestly hindi naging mahirap masyado para sa amin ni Charlene na umalis ‘yung mga anak namin para sa kolehiyo. Mula kasi no’ng nag-asawa kami ni Charlene, pinag-uusapan na namin ‘yan. At the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon pero ibig kong sabihin ang anak natin paglaki niya, mag-aa­sawa, iiwan din tayo, magkakapamil­ya. Ang importante tayong dalawa ang magkasama,” makahulugang pahayag ni Aga.

Malaking bagay rin ang pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa at ng kambal na anak na nasa magkaibang bansa. “Nasanay kami na gano’n, and also at the same time napakaganda rin ng nangyayari ngayon because of the internet at hindi na mahirap. Kasi pwede kayong mag-usap araw-araw. Pwede kayong magkita kasi there is Facetime. May mga apps para magkita-kita ngayon at magkausap ang pamilyang magkakalayo sa isa’t isa. Nandiyan lahat ‘yan,” pagbabahagi niya.

Kung sakaling magdesisyon sina Atasha at Andres na pasukin din ang show business ay wala naman daw itong magiging problema kay Aga. “Papayagan ko siyempre. ‘Yon nga lang, I just want them to finish college because kaya gusto ko silang patapusin kasi gusto ko silang magdesisyon. Sila ang magdesisyon kung gusto nilang pumasok sa industryia ng entertainment. I want to come from them, hindi manggagaling sa akin, hindi manggagaling sa publiko. Parang ngayon nga napupusuan na talaga nila, ng anak kong babae. Nagugustuhan niya talaga and sabi ko, ‘You just have a year and a half to go in college at pagkabalik mo then it’s really up to you. I can introduce you to some people I know who can manage you and then go ahead, it’s your call. Hindi ako makikialam talaga sa kanila eh. And even with my son Andres, gano’n din naman,” kwento ng aktor.

Direk Lauren, nirerespeto ang mga bumitiw na Kapamilya

Mula nang mawalan ng prangkisa noong 2020 ay maraming artista ng ABS-CBN ang lumipat ng network. Para naman kay Lauren Dyogi na siyang namamahala ng Star Magic ay wala naman daw itong problema sa kanilang pamunuan. “Unang-una, I would always respect the decision of every individual. Kasi hindi ko naman hawak ‘yung buhay ng bawat isa sa kanila. They made decisions based on their life circumstances. Hindi ko makukwestiyon ‘yon. Kung may pangangailangan sila or meron silang mga plano sa buhay nila na sa tingin nila hindi maibibigay ng ABS-CBN at Star Magic then that’s their option. I’d also like to say na para sa akin, mas importante ‘yung mga kasama ko ngayon dito. I don’t like to even spend my energy and my time thinking about the people who left because they’ve decided to move on and do something else. I’d like to pour my energy and my focus and my love to the ones who are here. ‘Yung kasama mo ngayon sa hirap at ginhawa. The loss of the franchise gave us a lot of insight into what’s important in our lives and who are the people who are also important and who values that relationship,” makahulugang pahayag ni Direk Lauren.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng Star Magic Head kung posible pang makabalik sa ABS-CBN ang mga dating Kapamilya stars na lumipat ng network. “We don’t know what’s there in the future. Maliit lang naman ang industriya ng entertainment. So hindi ako nagsasalita ng tapos na it’s for good na never ulit magkakasama. But for now, ABS-CBN and Star Magic will focus on the artists who decided to stay and be with us and journey with us and commit to be part of this very interesting and very challenging times,” giit ni direk Lauren.

(Reports from JCC)

vuukle comment

CHARLENE GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with