^

PSN Showbiz

Kris, ginawang lucky charm ang mga perlas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, ginawang lucky charm ang mga perlas
Kris
STAR/ File

Alam ko na kung bakit suot ni Kris Aquino ‘yung pearl necklace niya habang habang nagpapa-test siya sa hospital. Hindi ba may nagsabi sa kanya na para maalis ang negative vibes o sakit dapat meron tayong suot na perlas kahit maliit lang dahil ito ang jewelry na may buhay na puwedeng mag-absorb ng negativity sa katawan.

Sabagay, kahit ano namang suot mo, ‘pag pearls ang accessory mo bagay kaya safe isuot kahit araw-araw. Saka sa ganda ng kutis ni Kris bagay sa kanya ang perlas. At ‘di ba dito sa Pilipinas mas magandang bumili ng mga pearl jewelry dahil nga maganda ang source natin ng pearls dito.

Bea, patutunayan ang galing sa start-up

Naku baka magalit sa akin ang production ng local version ng Start-Up nina Alden Richards at Bea Alonzo, Salve. Headline mo kasi na sinabi ko na matanda na si Bea Alonzo para sa role ni Bae Suzy na partner ni Nam Joo-hyuk. Si Alden, bagay sa role ni Nam Joo-hyuk, pero ang iniisip ko kasi younger sana tulad nina Bianca Umali or Gabbi Garcia ang mag-play ng Bae Suzy role.

Pero mahusay namang artista si Bea kaya baka puwede na ring i-play niya ang role ng isang bagong graduate na naghahanap pa ng gagawin niya for her future.

At saka first time magsasama nina Bea at Alden kaya exciting na rin.

Lahat naman puwede sa kahit anong role at doon mo makikita kung gaano kahusay ang isang artista.

Heart, effortless

Ang galing naman ni Heart Evangelista sa rampa niya sa Paris, Salve. Kaloka na para bang at home na at home siya at parang sanay na sanay sa pagrampa, walang inferiority complex at puno ng confidence na kasama sa pictorial si Anna Wintour. ‘Yung flair ni Heart sa pagdadamit at accessories, talagang very classy kaya carry niya na makihalo sa mga fashionis­ta sa Paris.

Iba rin ang dating ng regal look niya, na kahit ihalo mo sa maramihan, nag-stand out. Kaya malaking kara­ngalan ang pagrampa niya sa fashion capital ng mundo, Paris no less.

Iba talaga ‘pag ‘yung sanay ka maging classy, walang effort talaga ang galaw mo at ‘yung star aura hindi natatakpan. Malaking bagay talaga ‘yung confidence sa sarili na meron si Heart Evangelista. Bongga! Kainggit talaga, Salve at Gorgy, mahirap pantayan.

BEA

HEART

KRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with