^

PSN Showbiz

Shaina, may payo para sa mga gustong mag-artista

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Shaina, may payo para sa mga gustong mag-artista
Shaina.

Masayang-masaya si Shaina Magdayao dahil sa loob ng mahigit dalawang dekada ay patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng Star Magic.

Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata ang aktres sa Kapamilya network. “Nakakatanda man but I’m going to own up to it but yes, it’s been 25 years. I guess what’s in store for me akala ko wala na. Kasi I thought I’ve done everything already. But the network keeps on offering me good projects and more than anything it’s the collaboration siguro. I still hope to work with our greats, the great actors and great directors that we have. I always say that I’m grateful for the different men and women that I get to work with. Kasi ibang Shaina ‘yung nabibigay ko because of them also, with their help,” nakangiting pahayag ni Shaina.

Nagbigay ng payo ang aktres para sa mga kabataang nangangarap na maging isa ring artista katulad niya. “’Yung mga gustong mag-artista, lahat naman tayo talented eh. Meron tayong unique gifts and talents, but siguro I’m speaking from experience na what will keep you in this industry is not your talent but kung paano ka makisama sa mga katrabaho mo. And marami namang talented but at the end of the day, mas gugustuhin mo katrabaho ‘yung professional na colleague mo, ‘yung makikita mo sa tao na mahal din nila ‘yung trabaho nila. And as a team, mas maganda ‘yung proyekto na lalabas and ‘yung output ninyo because you will work as one family,” paglalahad ng dalaga.

Karina, binigyan ng pag-asa si Aljon

Isa ang tambalan nina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa mga tinitilian ng mga tagahanga ngayon.

Nagsimula ang dalawa bilang housemates sa Pinoy Big Brother tatlong taon na ang nakalilipas. Para kay Karina ay hindi madali para sa kanila ng aktor ang kanilang naging tambalan. “’Yung partnership naman namin ay hindi madali as love team and as friends. Actually nasabi ko ‘yon recently lang. kasi lalo na nagkakaroon kami ng mga ganitong opportunity na binibigay sa amin. Parang kaming dalawa we would want to do our best together. Ayaw na­ming i-give up ‘yung meron na kami na ibinibigay na sa amin na opportunity so i-push na namin ito.

“Now we have Viral Scandal, we have MMK and may hinahanda pa sa aming bago. So parang yes why not make the most out of the blessings given and love naman namin ‘yung friendship namin and ‘yung ginagawa namin so laban na,” makahulugang pahayag ni Karina.

Maraming mga tagahanga ang nagtatanong kung ano na nga ba ang tunay na estado ng puso ng tambalang Kar-Jon ngayon? “We’re enjoying the process. Itong kung nasaan kami ngayon, parang ang dali kasi sa puso knowing you’re both in it for work, for success, for a dream na you both want to achieve. So parang nando’n pa muna kami since starting pa lang kami. Parang gusto talaga muna namin na mag-focus doon,” giit ng dalaga.

May pag-asa kaya si Aljon kay Karina kung sakali mang ligawan siya ng aktor? “Everyone has a chance naman. Lahat naman may pag-asa. Bakit naman ako hihindi? He’s just a very genuine person and makikita mo ‘yon in his actions and reactions towards people. Nando’n ‘yung very raw in a sense. So alam mo ‘yung ibibigay niyang emotions sa iyo ay totoo ‘yon talaga,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with