^

PSN Showbiz

Ate Vi, pinasok na rin ang pagluluto

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, pinasok na rin ang pagluluto
Vilma.

Hindi na lang nagkukuwento si Vilma Santos ng tungkol sa showbiz, o tungkol sa mga balak pa niyang gawin sa ilang araw pang natitira bilang congresswoman.

Nagluluto na rin siya sa kanyang vlog,at gumawa pa ng dessert. Gusto raw niyang gawin iyon habang hindi pa naman siya talaga naglalalabas ng bahay,  pero may sinabi na siya na in a few more days may ia-announce na siyang gagawin niyang project at ang ginamit pa niyang salita ay “mayroon na akong makaka-collab”.

Nagpakita nga si Ate Vi kung papaano siyang gumawa ng tinatawag niyang  “simple pasta”.

“Ngayon ang ikinatutuwa ko nga, kahit na papaano dahil hindi pa nga ako lumalabas ng bahay, nakakapag-practice pa ako sa mga simpleng trabaho na ginagawa ko. Talaga namang gumagawa ako ng pasta, kasi favorite ko iyan eh, kaya pinag-aralan ko. Ang gusto ko iyong simple lang, may kaunting oil lang at basta ganyan talaga gusto ko ako ang gumagawa.”

“Aminado ako, hindi ko kaya iyong cooking expertise ni Mama. Siya kasi sabihin mo kung ano ang gusto mo alam niyang lutuin iyon. Aywan kung papaano nga ba niya nasimulan iyon, pero mahusay siya talagang magluto. Ang natutuhan namin nang husto sa kanya ay iyong specialty niya na paborito rin naman naming lahat, iyong Arroz ala-Cubana. Hanggang ngayon favorite naming lahat iyon lalo na for breakfast.

“Sa akin nga noon basta tinatanong nila ako kung ano ang gusto kong breakfast,  lalo’t alam ko noon na aabutin talaga ako ng maghapon sa kapitolyo, o kaya sa house may mahabang session, ang gusto ko talaga arroz ala Cubana, heavy talaga iyon kahit na hindi ka na mag-lunch puwede.

“Ako naman more of pasta lang. I can also do a little baking. Tapos iyang mga desserts, enjoy rin  ako riyan,” excited na kuwento ni Ate Vi.

“Challenge lang naman iyon sa akin kaya gumawa ako ng isang vlog na cooking. Kinakabahan nga ako, sanay naman akong magluto pero iba pala iyong alam mong may nanonood sa iyo. At happy ako ha, dahil ang dami nang nanonood sa vlog ko. May pumapasok na ngang mga commercial, pero gaya nang sinabi ko noong una pa, I don’t intend to make money. Kung ano ang kikitain ko sa mga vlog na iyan gagamitin ko naman para maitulong ko pa rin sa mga constituent namin, at ilang mga kaibigan nating alam naman nating nangangailangan at dapat tulungan. Sabi ko nga iyong foundation ko para sa mga Vilmanian, magiging beneficiary rin ng vlog,” mahaba pa niyang chika sa akin.

Sunshine gagawin nang negosyo ang panggagantsilyo

Nagsimula naman iyon bilang past time noong panahon ng pandemya para kay Sunshine Cruz. Naging libangan niya ang crochet, o pagga-gantsilyo. Dati na naman daw siyang marunong noon dahil karaniwan na sa ating mga kababaihan ang marunong niyan, pero dahil nagkaroon nga siya nang time noong panahon ng lockdown, nakagawa na siya ng mga damit na isinusuot niya at isinusuot ng kanyang mga anak. May mga bag na siya, caps na nagagawa.

At ngayon nga marami na rin ang nagtatanong sa kanya kung gusto nga ba niyang gawing negosyo iyon. Isipin mo nga naman kung may damit kang crochet by Sunshine Cruz, aba bongga iyon.

Pero siguro kung gagawin ngang negosyo, hindi maaaring si Sunshine lang mag-isa ang gagawa. Maaaring siya ang mag-design, mamili ng mga kulay, at siyempre supervision pero hindi niya makakayang gawin lahat ng orders, lalo na kung may mga taping siya.

“Actually tito I’m thinking about it. Marami na kasi ang nagtatanong if I’m willing to sell lalo na sa social media. Iniisip ko kung papaano ko gagawin, kasi kikita naman at isa pa makakapag-generate ng employment iyan at makakatulong sa mga nawalan ng trabaho,” sabi ni Sunshine sa akin.

Baguhang performer nganga matapos gumastos ng gas

“Ang mahal ng gas ngayon, gigising ka nang maaga tapos ganoon ang mangyayari,” ang masama ang loob na sabi ng isang male newcomer at dancer. Sinabihan daw siyang magpe-perform siya sa isang tv show. Dumating naman siya sa tamang oras, pero hanggang sa matapos ang show hindi siya tinawag. At wala naman daw nagsabi sa kanya na hindi na siya kasali.

Kawawa naman talaga ang mga baguhang performers.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with