^

PSN Showbiz

Barbie at Diego, friends na lang?!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Barbie at Diego, friends na lang?!
Barbie.

May bagong pinagpipistahan ang mga Marites ng ating bayan. May naglabas ng retratong magkasama sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na kinunan ilang araw pa lang ang nakararaan.

Magkatabi lang naman sila, mukhang nag-dinner lang sa labas, pero kung anu-ano nang pamba-bash ang tinatanggap ngayon ng dating magkarelasyon.

Pareho raw walang paninindigan sina Diego at Barbie na nagsabi na malabo na ang kanilang pagbabalikan.

Sinabi nu’n ni Barbie na ngayon lang daw niya naisip na mahalaga pala ang self-love. At kapag nakipaghiwalay raw siya ay hindi na siya nakikipagbalikan.

Si Diego naman ay nagsabing panahon na para harapin niya nang seryosohan ang kanyang karera. Du’n daw muna niya itututok ang kanyang panahon.

Pero malay naman ng mga Marites kung napagkasunduan lang magkita nina Diego at Barbie bilang magkaibigan? Puwede pa rin naman silang mag-usap na hindi na ang nakaraan nilang relasyon ang sangkot kundi pagkakaibigan na lang.

At kung sakaling magdesisyon silang ituloy ang naudlot nilang relasyon ay wala rin namang mali. Kung ‘yun talaga ang sinasabi ng kanilang puso ay sino ba naman tayo para humarang sa kanila?

Sana lang ay magkaroon na ng mga pagbabago. Huwag nang tinatakot ni Barbie si Diego na magpapakamatay siya nang dahil lang sa mumunting bagay na hindi nila napagkakasunduan.

Kinaya na siyang tikisin ni Diego, minsang nagawa ng lalaki ay makakaya pa uli nitong gawin, para sa ikatatahimik ng kanyang buhay.

Bea, si Alden ang dahilan ng pagiging Kapuso

Masayang-masaya na naman ang mga tagasuporta ni Alden Richards dahil may aabangan silang serye ng Pambansang Bae kapareha ni Bea Alonzo.

Oo nga naman, ibang-iba ang pagtutok sa telebis­yon na walang serye si Alden, inaabangan talaga ‘yun ng publiko. Ibang putahe na naman ang gagawin nilang serye ni Bea, susukatin uli ang kanilang tambalan, kung nababagay ba sila sa isa’t isa.

Sa biglang tingin ay oo naman, walang kuwestiyon sa kaguwapuhan at kagandahan ng mga bida, pareho rin silang mahusay umarte kaya panalung-panalo ang seryeng ito.

Nagbitiw ng salita si Bea na si Alden ang isa sa mga dahilan kung bakit ginusto nitong maging Kapuso. Mabigat ang pahayag na ‘yun, pero at least, hindi sinabi ni Bea na number one nework ang GMA-7 kaya ito lumundag ng bakod.

Sino ba naman ang tatangging makatambal ni Alden? Siya ang pinakasikat na aktor ng kanyang panahon, kumikita ang kanyang mga proyekto, kaya gusto siyempreng mabahiran ng suwerte ng makakapareha niya.

Si Alden Richards ang personalidad na nginitian ng kapalaran ang karera pero hindi pinagbago ng kasikatan ang ugali. Nananatili siyang mapagkumbaba, nakatapak ang mga paa sa lupa, walang kaere-ere.

Siguradong ang mga ganu’ng papuri rin ang ating maririnig mula kay Bea Alonzo kapag nagsimula na ang kanilang trabaho.

BARBIE IMPERIAL

DIEGO LOYZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with