^

PSN Showbiz

Joshua walang lovelife, panay ang treat sa staff ng Darna

VIRAL - Eric John Salut - Pilipino Star Ngayon
Joshua walang lovelife, panay ang treat sa staff ng Darna
Joshua.

Masaya ang mga taong malapit kay Joshua Garcia, mga katrabaho at kaibigan. Ayon sa isang kaibigan ng aktor, na nakausap namin, ibang level ang professionalism ni Joshua. “Focused siya sa career niya. Kasi nga walang ibang pinagkakaabalahan kundi trabaho. Kaliwa’t kanan ang projects nya,” sabi pa ng kaibigan ng aktor.

Marami rin ang nakapansin ng pagi­ging overly thoughtful ni Joshua sa kanyang mga katrabaho. Sa set ng Darna, (where he portrays the leading man of Jane de Leon) lahat ng female staff ay binig­yan nito ng flowers nung Valentine’s Day.

Madalas din itong mag-treat sa buong staff sa taping. “Kung may lovelife yan, sure ako, hindi n’ya magagawa ‘yan sa ibang tao,” paniniguro ng kaibigan ng aktor.

Bukod sa profession, Joshua values his friendship with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Ang dalawa ang naging malaking support group ng aktor after ng breakup nito with Julia Barretto. “Lagi siyang may time for friends ngayon.”

‘Pag nag-iisa sa room sa lock-in taping, madalas mag-post si Joshua ng videos sa kanyang TikTok account. Dahil sa sobrang cute, in a matter of hours, naghi-hit ng million views ang kanyang video post.

Tahimik at smooth na nagsu-shoot ang Darna: The Series with the cast and staff sa iba’t ibang locations sa Metro Manila at sa ABS CBN Soundstage sa Bulacan. Si Chito Roño ang direktor ng nasabing serye.

Nasa second cycle na sila ng lock-in taping.

Ang Darna ang kauna unahang programa, under JRB Creative Production na gumamit ng Hollywood-pegged studios ng ABS-CBN. World-class ang set ng serye. Karamihan sa mga involved sa production ay ang mga taong pinag-aral ng ABS-CBN sa abroad para pag-aralan ang filming style sa America. “Kaya kailangan, isang master director at award-winning din ang humawak sa show. Wala pa ding kupas si Direk Chito. Masusi. Pulido,” sabi ng kausap namin.

Wala ring masabi ang produksyon sa professionalism ng cast na pinangu­ngunahan nina Iza Calzado, Joshua Garcia, Janella Salvador, Zaijian Jaranilla at Jane de Leon.

Ngayong taong 2022, nakatakdang umere finally ang Darna. Kaya kaabang-abang ang paglipad ni Darna.

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with