^

PSN Showbiz

Pamilya Avanzado, maraming pasabog sa kanilang concert

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Pamilya Avanzado, maraming pasabog sa kanilang concert
Avanzado Family.

Ayaw I-reveal sa mga marites…

Matapos ang dalawang taong pagkakatigil ng live events bilang pagsunod sa health protocols, muling masasaksihan ang first ever live in-person concert mula sa TFC na gaganapin sa US – ang Revelation: The Concert Tour in the US sa March 12 at 26.

Ang Revelation ay isang “family affair” concert na pagtatanghalan ng OPM/Pop singer at Original Prince of Pinoy Pop Dingdong Avanzado kasama ang kanyang kabiyak na Phenomenal Diva, at isa sa Philippines’ biggest sel­ling female recording artists na si Jessa Zaragoza.

Makakasama rin nila sa concert ang kanilang nag-iisang anak, si Jayda, na unang beses na makakapag-perform bilang recording artist na may live audience.

Sa rami ng concert na nakansela sa pandemya, anong pakiramdam na tuloy na ang live in-person concert nila? “We want to connect with the people again because all of us, we’ve been isolated for the longest time. And you know of course there was that reason there was that fear and all, but now you know… we are in a position na… we should not live our lives in fear. I mean yeah, we should be careful but never fearful.

“That’s the message that also we want to deliver that, ‘hey we want to connect with you. We want to connect again. I mean thats what humanities is all about. Us connecting and enjoying ourselves and I feel it’s just time,” pahayag ni Dingdong.

“We feel so blessed na nagkaroon kami ng opportunity na magawa ito and tuluy-tuloy naman at nandito na nga kami. Very grateful, of course,” sey naman ni Jessa.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit Revelation ang titulo ng kanilang concert?

“For so many reasons, actually, but the interesting part of this is actually the revelation, dumating ‘yung concept sa akin. Ah last year, ‘no? Mga siguro late last year. We were here also in the US at that time and then I remember attending mga Bible studies. And du­ring the Bible study, we were studying the Book of Reve­lation. So ang daming mga… lagi kong naririnig ‘yung word na ‘revelation’, and of course, what was happening now, if you’re a believer and you see what’s happening, it’s in the Bible about the book of Revelation.

“And sabi ko, nung nag-iisip ako ng title… parang magandang title is Revelation. And at the same time, it’s a perfect way of… kasi nga si Jayda is being revealed to the public ‘di ba, so that’s ano­ther layer of that revelation.

“And then sa buhay namin, we will be celebra­ting our 21 years of being married. Marami kaming ire-reveal sa kanila ng buhay namin,” pahayag pa ni Dingdong.

Nang hiritan naman ng patikim na pasabog, ito naman ang natatawang sagot ng Phenomenal Diva: “’Wag na muna nating i-reveal, kasi maraming nag-aabang na mga Marites d’yan.”

Samantala ang shows na gagawin nila ay for a cause na may layuning makatulong sa mga pastor at ministries ng JIR Foundation. Part of the proceeds ay mapupunta rin sa mga biktima ng typhoon Odette na ongoing campaign din ng ABS-CBN Foundation.

Samantala, isa sa mga pangarap ni Jayda ay maka-collab ang American singer/ songwriter na si Taylor Swift. Kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay gusto rin nitong makatrabaho si Ed Sheeran.

Pero sinabi ni Jayde na tumanggap na rin ng ibang award bilang singer na meron din siyang mga revelation. “I just can’t say what exactly but in time mare-reveal din ‘yan. May mga revelation din ako.”

Natanong din ito kung nakakaramdam daw ba ito ng pressure bilang anak ng music royalty na itinanggi nito dahil mahal daw nito ang musika at enjoy ito sa pag-perform.

Makikita naman sa mukha ng mag-asawang Jessa at Dingdong habang nagsasalita ang anak nila ang pagiging proud sa kanilang unica hija.

Ang Revelation concert ay gaganapin sa magkaibang petsa. Sa Southern California, Revelation: Ang Concert Tour March 12 sa Alex Theater, 216 N Brand Boulevard, Glendale, CA 91203. Ang ticket for the Glendale leg ay nagkakahalagang: $158; $128; $98; $78; $70; $65; $50.

Samantala sa Northern California naman ay sa March 26 sa Fox Thea­ter, 2215 Broadway, Redwood City, CA 94063. Ang ticket for this venue naman ay may halagang: $55, $45, $35.

DINGDONG AVANZADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with