^

PSN Showbiz

Ted walang social media account, ginawan ng fake news ng posers

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Ted walang social media account, ginawan ng fake news ng posers
Ted.

Si Ted Failon ay katulad din naming walang kahit anong social media account pero maraming posers. Maraming nagpapanggap na kami.

Nakakatawa nga. Nu’ng lumabas ang balitang pinagbubugbog daw ng kanyang mister si DJ Chacha, ang katambal niya sa Radyo 5, ay ang pekeng Ted Failon ang nagpaikot ng kuwento.

Marami siyempreng naniwala, mula kasi kay Ted ang balita, samantalang nananahimik siya at walang kahit anong alam tungkol sa personal na buhay ng kanyang partner sa radyo.

Itinatawa na lang ni Ted Failon ang pangyayari, ayaw na niyang sagutin pa, basta ang totoo ay wala siyang kahit anong social media account kaya hindi dapat paniwalaan ang anumang istoryang inilalabas ng mga pekeng Ted Failon.

Maraming namba-bash kay Ted dahil sa mga pekeng balitang inilalabas ng kanyang mga posers. Kapag nagdesisyon siyang magkaroon na ng social media account, pangako ni Ted Failon, ay siya mismo ang magsasabi sa kanyang programa sa Radyo 5.

Isyung pagbubuntis ni Kathryn, hindi pinaniwalaan

Mga mensahe ng pasasalamat mula sa mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tinatanggap namin. Maraming salamat daw dahil tina­lakay namin sa Cristy Ferminute ang lumabas na pekeng kuwento na nagdadalantao ngayon si Kathryn.

Nakalatag ang aming posisyon na hindi namin pinaniniwalaan ang kuwento dahil nagtitiwala kami sa magka-loveteam sa likod at harap ng mga camera na sila mismo ang magsasabi sa kanilang mga tagahanga at sa publiko kapag may mahalagang anunsiyo silang sasabihin.

Malaki ang utang na loob nila sa KathNiel, hindi sila dapat magtago ng katotohanan, kaya hanggang hindi sila ang nagsasalita ay hindi kami maniniwala.

At kung sakali ngang totoo ang istorya ay hindi na nakapagtataka. Mahigit na isang dekada na ang kanilang relasyon, kilalang-kilala na nila ang bawat isa, paninindigan nila ang pangyayari.

May seryeng gagawin sina Daniel at Kathryn, baka nga habang sinusulat namin ang kolum na ito ay nakapagsimula na sila, ‘yun ang madalas nilang sabihin na marami pa silang mga prayoridad na gustong unahin bago ang pagpapakasal.

Sigurado na sila sa isa’t isa, alam nila na sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon, kaya gusto muna nilang tuparin ang kanilang mga pangarap.

Sabi ng isang nag-text sa amin, “Thank you po, nilinaw n’yo na hindi preggy si Kath and if ever na totoo ang condition niya, pinaninindigan ni DJ ‘yun. Salamat po.”

Komento naman ng isa, “May manghuhula po na nagsabing magkakaroon sila ng problema sa relationship nila this year. Pero maaagapan din naman daw.

“May involved mang manghuhula o wala, we trust them both, hindi nila pababayaang magkaroon ng problema sa relasyon nila dahil napakaraming masasaktan. Una na po kami.”

Mahigit na isang dekada na ang relasyon nina Daniel at Kathryn, kumbaga sa pagkain ay lutung-luto na, mahirap nang mahilaw.

TED FAILON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with