^

PSN Showbiz

Bea at Dominic, ninakawan ng paparazzi habang naghahalikan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Bea at Dominic, ninakawan ng paparazzi habang naghahalikan
Dominic at Bea
STAR/ File

Pinagpistahan ng mga Mari­tes ang isang retrato nina Dominic Roque at Bea Alonzo na ninakawan daw ng shot ng isang paparazzi habang naghahalikan sa ituktok ng isang gusali.

Sila raw ‘yun, malayo lang ang kuha, pero sila ang nakunan ng larawan na naghahalikan. Kailangan pa bang gawing malaking isyu ang paghahalikan nina Dominic at Bea?

Ang argumentong ‘yun ay pinatay na ng madalas na pagbabakasyong magkasama nina Dominic at Bea. Wala silang ibang kasama, sila lang dalawa, at kapag ganu’n ay alangan namang isipin pa natin na naglalaro lang sila ng chess sa hotel room.

Hindi natin sila pag-iisipang nag-i-scrabble lang, lalong hindi sila naglalaro lang ng jackstone, alam na this!

Wala ang dapat pang pagtakahan, hindi na isyu kung nakunan man silang naghahalikan, dalawa-singko na lang nilang ginagawa ‘yun kapag magkasama sila.

Sa napanood naming footage ng pagbabakasyon nila sa Palawan ay magkasama sila sa isang hotel room lang, sa pamamasyal sa isla, madalas humalik si Bea kay Dom.

Ganu’n din ang binata, pagkatapos nitong mag-I love you kay Bea ay kasunod na agad nu’n ang paghalik, kaya normal na lang sa kanila ang kissing.

Pero hindi naman ‘yun paghahalikang pag-iisipan ng kabastusan ng makakakita, marespeto ‘yun, smack lang at hindi naman torrid.

Mas malambing pa nga kung tutuusin si Bea kesa kay Dominic, siya ang sabi nang sabi ng I love you sa aktor, kasunod ang masuyong paghalik.

Kissing? Hindi na bago ‘yun sa magkarelasyon. Agahan na nila ‘yun, pananghalian at hapunan. At may midnight snack pa.

Nanay nina Nadia at Tanya Montenegro, ninakawan sa loob ng high-end supermarket

May edad na si Mommy Linda Montenegro, ina nina Nadia at Tanya, mahina nang kumilos. Nabiktima ng mga magnanakaw si Mommy Linda sa loob mismo ng S&R, isang membership club, kailangang miyembro ka ng kilalang grocery para ka makapasok du’n.

Pitong lalaki ang nagkunwaring nagkakagulo, ninakaw ang wallet ni Mommy Linda, bago pa nakapag-report ang pamilya sa banko ay nakuha na ng mga magnanakaw ang kanyang pera.

Napakabilis ng pangyayari, parang sa malapit lang sa S&R winidrow ng mga magnanakaw ang laman ng mga cards ni Mommy Linda, kaya ganu’n na lang ang pagtungayaw ni Nadia.

Ayon sa aktres ay kailangang panagutan ng pamilihan ang nangyari sa kanyang may edad nang mommy na iyak nang iyak, masyadong inatake ng nerbiyos, nanginginig sa takot.

May membership ang S&R, mga card membership holders lang ang nakapapasok sa loob, pati pala sa mga ganu’ng lugar ay laganap na ang nakawan?

‘Yun ang habol ng marami, ang kaligtasan sa pag-iikot sa pamilihan dahil puro miyembro nga lang ang nasa loob, pero may mga nakasisingit na palang magnanakaw ngayon kahit ganu’n kahigpit ang mga guwardiya ng membership club?

Anong lugar pa ang ligtas ngayon?

DOMINIC ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with