^

PSN Showbiz

SVIP tickets sa docufilm ng BGYO at BINI, sold-out sa isang araw

Pilipino Star Ngayon
SVIP tickets sa docufilm ng BGYO at BINI, sold-out sa isang araw

Sold out agad ang SVIP tickets para sa docufilm ng BINI at BGYO na Dubai Adventures na magpre-premiere sa Abril 1 (Biyernes) matapos ang isang araw na i-release ang tickets nito sa KTX.PH.

Mapalad ang mga nakabili sa tickets na ito dahil makikita nila ang parehas na grupo nang harap-harapan matapos ang dalawang taon. Bukod dito, may inihanda ring sorpresa ang BGYO at BINI para sa kanila.

Available pa rin ang VIP tickets sa halagang P1,000 kung saan may access sila sa red carpet at replays sa Abril 2 (Sabado) hanggang 3 (Linggo) at general admission tickets sa halagang P399.

Sa docufilm, mapapanood ng fans ang ginawang adventure ng sibling groups sa unang pagbisita nila sa Dubai. Ililibot nila ang fans sa foodtrips at explorations na nagawa nila lalo na sa kanilang experience na mag-perform sa 1MX Dubai noong Disyembre.

Kamakailan naman, muling gumawa ng kasaysayan ang BINI at BGYO sa pagiging unang mga Pinoy na naging cover ng unang NFT magazine ng Xpedition sa Metaverse.

Ang Metaverse ay isang simulated digital environment na gumagamit ng augmented reality or 3D avatars o models para magkaroon ng social connection at interaction.

Sa mga gusto namang bumili pa ng tickets para sa BINI & BGYO Dubai Adventures at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ktx.ph.

BGYO

BINI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with