^

PSN Showbiz

Jessy naglilihi sa mangga, Luis natakam?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy naglilihi sa mangga, Luis natakam?!
Jessy atLuis.

Aww pinag-iisipang naglilihi na si Jessy Mendiola.

Ito ay dahil sa post ng mister niyang si Luis Manzano na 9 na larawan ng hilaw na mangga na may iba’t ibang sawsawan.

As in ang daming natakam at nag-isip na baka ito na nga ang pinaka-hihintay nila.

Pero ang caption lang ni Luis, “Ay sh*tttttttttt.”

Dinagsa ng kung anu-anong ispekulasyon ang nasabing post ni Luis.

Comment ni Isabelle Daza, “I hate you.”

Si Billy Crawford naman ay “Damn bro drooling ang cute mo… ay sorry, Kala ko dm  @luckymanzano.”

Wala silang sagot sa mga nagtatanong kung naglilihi na ba si Jessy.

Recently lang nag-celebrate ng first wedding anniversary ang mag-asawa.

Cinema One, sumampa na sa 1 milyon subscribers

Mas lumago pa ang digital presence ng Cinema One matapos nitong malampasan ang 1 milyong subscribers sa YouTube, kung saan pwedeng mapanood ng netizens ang ilan sa mga paborito nilang pelikula, dokumentaryo, at iba pang orihinal na content on-demand.

Simula nang ilunsad ito noong 2015, napuno na ito ng entertainment content ang online platform kung saan mae-enjoy ang mga clip mula sa comedy (Joke Ba Kamo), romance (Kilig Scenema), drama (Reel Drama), classic (Takilya Throwback), at horror (Scream-O-Meter’) na pelikula.

Mapapanood din dito ang mga feature mula sa magazine show na CinemaNews at FYE Channel shows gaya ng The Best Talk at PopCinema, mga exclusive na interview, at behind-the-scene specials.

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with