^

PSN Showbiz

Showbiz couple, naghiwalay dahil sa mga alagang pusa ng misis!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ayaw naming paniwalaan ang kuwento kung bakit nagkahiwalay ang isang magkarelasyong artista. Para kasing napakababaw ng dahilan, parang lokohan ang takbong istorya, pero totoo pala ‘yun?

Totoo palang ang mga alagang pusa ng female personality ang nag-udyok sa lalaking personalidad na umalis na sa kanilang tirahan.

Kuwento ng aming source, “Totoo ‘yun! Pusa talagaang reason! Parang biro lang sa biglang dinig ang kuwento, pero totoo ‘yun!”

Mahilig palang mamulot ng pusa sa kalye ang female perso­nality. Basta nakakita siya ng pusa ay pinahihinto niya ang kanyang driver para kunin at iuwi ang pusa.

“Ganu’n siya talaga. Sa past life niya siguro, e, nanay siya ng mga pusa, kaya ganu’n siya! Kaso, nasa mahigit na kuwarenta na ang mga alaga niyang pusa!

“Sangdamakmak na ‘yun, kaya kumokontra na ang ka-live-in niyang male personality. Du’n sila palaging nag-aaway! Kinokontra talaga ng male perso­nality dahil mabahung-mabaho na sa tinitirhan nila!

“Nililinis naman ng female personality ang tirahan ng mga alaga niyang pusa, pero totoo namang ang pinakamabahong echas, e, sa pusa!” kuwento uli ng aming impormante.

Isang umaga ay hindi na nakapagtimpi ang male persona­lity. Paggising pa lang kasi nito ay sumalubong na sa kanya ang mabahong echas ng mga alaga ng kanyang girlfriend.

“May point din naman kasi ang lalaki, sa condo sila nakatira, wala silang garden para du’n alagaan ang mga pusa! Kaso, mainit din ang ulo ng girl, mahal na mahal na niya ang kanyang mga pusa, kaya hindi niya puwedeng itapon!

“Sabi ng guy, ‘Maglagay ka man ng mga scented candles sa unit natin, e, wala ring mangyayari, mabaho pa rin ang lugar natin! Napakabaho ng echas nila!

“Nangatwiran pa rin ang girl, kesyo tiisin na lang daw nila ang amoy, nakakaawa naman kasi ang mga alaga niya! Lumalim na nang lumalim ang away nila, hanggang sa nagkaungkatan na sila ng mga sarili nilang baho!

“Pinamili ng male personality ang ka-live-in niya, ‘Pumili ka! Ako o ang mga pusa mo?’ Hindi makasagot ang girl, kaya ang sabi ng guy, ‘Ako na lang ang aa­lis, magsama-sama kayo ng mga pusa mo!’

“’Yun talaga ang nangyari, pusa ang dahilan ng paghihiwalay nila! Kunsabagay, kahit naman kasi ang mga pangalan nila, e, puwedeng ikonek sa mga hayup!

“Ang girl, e, kapangalan ng isang sikat na cha­racter sa Disneyland, ang guy naman, e, may komiks series na isinunod sa name niya!” humahagalpak na pagtatapos ngaming source.

Ubos!

Malisya sa hiwalayang tom at Carla, palala!

Maraming kaibigang tumatawag sa amin para magtanong kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng kakakasal lang na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Sino naman kami para magbigay ng kongkretong sagot? Kung silang mag-asawa nga ay walang inaamin sa publiko, walang nagsasalita sinuman sa kanilang dalawa, sinong nasa labas ng kanilang buhay ang magbibigay ng sagot tungkol sa paghihiwalay nila?

Kahit ang kani-kanilang pamilya ay walang pahayag, tumatagal na ang isyung ito, kaya kung anu-anong ispekulas­yon na lang ang naglalabasan.

Lalo pang tumindi ang mga pagtatanong dahil sa pagla-like ni Carla sa tanong ng kanyang followers. May nagtanong tungkol sa infidelity, ni-like ‘yun ni Carla, makahulugan nga naman ‘yun para sa mga nakata­naw lang sa kanilang mag-asawa.

Pero ang pinakamatindi ay nang i-like ni Carla ang tanong ng kanyang follower na wala namang binanggit na pangalan pero bigay na bigay namang si Tom ang tinutumbok nito.

Ang tanong, “True ba na gay raw siya?” na ni-like rin ni Carla, ano raw ang ibig sabihin ng pagla-like niya?

Lalo tuloy pinagpistahan ang kuwentong umikot na diumano’y nahuli ni Carla si Tom na may ginagawang hindi kanais-nais sa pamamagitan ng tracking device.

Palala na nang palala ang mga kuwento, senyal na ito na kailangan na nilang magsalita, sagutin na nila ang napakara­ming tanong tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Pareho silang nalalagay sa alanganin, hindi isa lang, sa hindi nila pagsasalita. Bigyan dapat nila ng panahon na malaman ng publiko kung ano ba talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Isang salita lang nilang pareho ay sasapat na, hindi naman nila kailangang sabihin ang lahat ng aspeto kung bakit sila nagkani-kanyang landas na, kesa naman sa ganyan na pati ang pagkalalaki ni Tom ay kinukuwestiyon na.

PUSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with