^

PSN Showbiz

Nanay ng singer, napahinga na sa hakot challenge ng sponsors

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguro nga ay miss na miss na ng ina ng isang sikat na singer-actress ang kanyang nakasana­yan kapag may concert sa iba-ibang bansa ang kanyang anak.

Kilalang-kilala na ng kanyang mga kasamahan ang mommy niya, para itong naggo-grocery kapag nagpupunta ang tropa sa kanilang mga sponsors, matindi ang dakilang ina ng singer-actress pagda­ting sa anumang libre lang.

Kuwento ng aming source na palagi nilang nakakasama sa mga shows sa iba-ibang bansa, “Naku, si Mommy (pangalan ng mommy ng singer-actress), hanggang makakaya niyang kunin ang lahat ng mga kailangan nila, e, gagawin niya ‘yun!

“Maparaan siya! Kunwari, nakita niya ang mga canned goods, sasabihin niya, ‘Naku, gustung-gusto ng anak ko ‘yan sa breakfast!’ Idinadahilan niya talaga ang anak niya, kesehodang hindi naman gusto ng anak niya ang mga hinahakot niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Heto na. Pinasyalan ng tropa ang sponsor nilang pizza parlor. Pinakain na sila ng sponsor, pinagbaon pa sila nang sangdamakmak na pizza para may kakainin sila sa hotel, bumida na naman ang mommy ng singer-actress.

Kuwento pa rin ng aming source, “’Yung ibang singers at artista, e, tig-isa lang ang kinuha. Alam na ng PA nila kung ano ang gagawin. Huwag kukuha nang sobra, masisira lang naman kasi!

“Hindi uso ‘yun kay mommy! Marami siyang kukunin, dahil ang nasa utak niya, e, iuuwi nila ‘yun pagbalik nila sa Pinas! Hiyang-hiya ang singer-actress, palaging nakayuko! Kasi nga, e, nakakahiya ang ginagawa ng mommy niya!

“Minsan, e, napahiya si mommy, sangdamakmak na chocolates kasi ang kinuha niya sa shop ng sponsor. Ganu’n na naman ang drama niya, ‘Naku, ito ang tsokolateng gustung-gusto ni ____ (pangalan ng singer-actress)!’

“E, super-faney ng anak niya ang owner ng shop, kaya ang sabi sa kanya, ‘Mommy, nasusu­baybayan ko po ang buhay ng anak n’yo! Di po ba, ayaw na ayaw n’yo siyang pinakakain ng chocolates dahil masisira ang voice niya?”

“Naloka si mommy! Hindi niya malaman ang gagawin niya! Buking ng owner ang buhay ng anak niya! Nakakaloka talaga si mommy! Miss na miss na siguro niya ‘yun ngayon!

“Dalawang taon na silang hindi magkasama, nag-asawa na ang anak niya at hindi pa sila nagkakasundo! Paano na ang mga produkto ng sponsors ng concert ng anak niya, wala na siyang mahahakot!” humahagalpak na pagtatapos ng ­aming impormante.

Ubos!

Alex, aminadong ‘di kayang sikmurain ang mga natatanggap ng ate

Aminado si Alex Gonzaga na matapang lang ang hiya niya pero hindi siya kasingtapang ng kanyang Ate Toni. Hanggang sa pakikay-kikay lang sa kanyang mga vlogs ang kaya niyang gawin para maaliw ang kanyang mga subscribers.

Totoo namang matapang ang kanyang hiya, hindi kayang gawin ng ibang mga artista ang ipinakikita niya sa vlogs niya, nakakaaliw siya na nakakainis din kung minsan.

Nakikita niya kung paano upakan sa social media ang kanyang ate. Busog na busog na si Toni sa kangunguya ng ampalaya mula umaga hanggang gabi na ang pinakainumin ng singer-actress-TV host ay mapaklang apdo.

Masasakit na salita ang ibinabato laban kay Toni na ayon kay Alex ay hindi niya makaka­yang sikmurain. Saludo siya sa katapangan ng kanyang kapatid, kontrolado raw ni Toni ang kanyang emosyon, hindi raw niya kayang dibdibin ang ganu’ng sitwasyon.

Tama ang opinyon ni Alex na pinanday na ng panahon ang katatagan ng kanyang ate. Bata pa lang daw si Toni ay sagana na ito sa pambu-bully, hanggang sa mag-artista na silang magkapatid, kaya ganu’n na katapang si Toni.

Isang kaibigan ang nagkuwento sa amin, sabi nito, “Alam mo bang ang pinaka-effective pa ring panlaban ni Toni sa negativity tulad ng nangyayari sa kanya ngayon, e, prayers? Sabay silang nagda­rasal ng husband niya.

“Dahil she belongs to a Christian family, pareho sila ni Direk Paul, palagi silang nagpe-pray. Buong pamilya silang nagdarasal, humihingi sila ng gabay, kaya ganyan katibay ang paninindigan ni Toni.

“Hindi sila nakalilimot sa Diyos, guided sila, at totoo naman ‘yun! When you are with God, sino pa ang puwede mong katakutan?” kuwento ng aming kaibigan.

Galit na galit kay Toni ang kampo ng mga kalaban ni BBM na sinuportahan nilang mag-asawa. Ang daling unawain kung saan nagmumula ang galit na ibinabato laban sa kanya ngayon.

Sabi nga siguro ni Toni ay nabubuhay tayo sa demokrasya at ang pinakaesensiya ng kalayaan ay ang karapatan nating pumili ng pinaniniwalaan natin at kung sino ang idinidikta ng ating puso.

Si BBM ang sinusuportahang kandidato nina Toni Gonzaga at Direk sa pangu­luhan, at karapatan nila ‘yun, ano ang ating magagawa?

vuukle comment

CHALLENGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with