^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad na may pinaghahandaan, sinusunggaban lahat ng trabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kasamahan ang isang kilalang female singer na naaawa sa kanya pero hindi lang nagsasalita at nagpapahalata. Ma­tindi kasi ang pinagdadaanan niya ngayon.

Napakalayo ng mga galawan niya ngayon sa dating siya. Mahilig makipag­kita sa kanyang mga kaibigan ang female personality para bigyan ng regalo ang kanyang sarili mula sa trabahong kalabaw na hindi na niya nagagawa ngayon.

?Kuwento ng aming source, “Ang ibang mga kasamahan niya, nagli-leave na sa trabaho kapagkailangan. Pero siya, walang magawa, kailangan pa rin niyang magtrabaho dahil kailangang-kailangan niyang paghandaan ang bagong parating niyang buhay.”

?Wala ring pinakakawalang alok ngayon ang female singer. Wala nang kuwestiyon sa kung magkano ang kanyang talent fee, tanggap na lang siya nang tanggap, dahil ‘yun ang kailangan.

?Patuloy ng aming source, “Meron siyang mga faney na itinuring na siyang anak-anakan. Parang hindi na siya iba. Palaging nakasuporta sa kanya ang grupo tuwing may concert siya.

?“Awang-awa sila sa female singer dahil sa panahon nga naman na kailangan na niyang magpahinga, e, sunggab pa rin siya nang sunggab ng puwede niyang pagkakitaan!

?“Nanghihinayang siya dahil malaking karagdagan nga naman ‘yun sa mga pagkakagastusan niya. May mga nagpapayo na nga sa kanyang magpahinga na sa pagkanta, pero talagang hinayang na hinayang siya sa kikitain pa niya.

?“Napakasipag niya, ginagawa niya ang lahat para sa matinding hamon na dumating sa kanya. Hindi ito problema para sa kanya, ang sabi nga niya, e, ito ang magiging kapalit ng taong mahal na mahal niya na wala na ngayon,” paliwanag ng aming impormante. Wala siyang kahati sa paghahanda, siya lang talaga ang kailangang kumilos, dahil ang karelasyon niya ay marami nang pananagutan sa buhay bago pa sila nagkakilala.

?“Pero mabait ang female singer, hindi niya inilalaglag ang father ng magiging baby niya, hindi na lang siya nagsasalita. Pero marami nang nakakaalam ng totoo, kailangan niya talagang magsipag para makarami siya.

?“At mababait ang mga katrabaho niya, may mga nangangako na ng mga pangangailangan ng magiging anak niya. Mahal na mahal siya ng mga kasamahan niya dahil nice naman kasi ang female singer na ito.

?“Wala siyang kaangasan, mabait siya sa lahat, maraming maligaya ngayon para sa kanya. Sana nga, maging maayos ang biyahe niya sa pagiging ina,” madiing pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Willie, tutok sa pagpapagawa ng 7-star hotel at paghahanda sa AMBS

Tapos na ang pagbabakasyon ni Willie Revillame. Panahon na para harapin niya ang nakaabang na matinding paghamon sa kanyang buhay at karera nga­yon.

?Pagkatapos niyang magpaalam sa Wowowin – Tutok-To-Win ay inasikaso niya muna ang ipinagagawa niyang 7-star hotel sa Puerto Galera.

?Matinding panahon din ang ibinigay niya sa malawak niyang ari-arian sa Iruhin, Tagaytay, tapos na tapos na ang mga ipinagawa niyang villa, handang-handa na ang lugar para ga­wing lokasyon para sa lahat ng klase ng selebras­yon.

?Napuntahan na namin ang kanyang mansiyon sa Iruhin, kaya minsan ay tinanong namin si Willie kung ano ang nararamdaman niya kapag nasa pinakaituktok siya ng kanyang mansiyon. Para namang hindi niya kami na­rinig sa napakakaswal niyang sagot, “Wala lang. Masaya lang ako dahil nakikita ko nang literal kung saan-saan napunta ang mga pinagpaguran ko.

?“Ang makita ko lang na enjoy ang mga anak at apo ko sa paglalaro at pagsu-swimming, ‘yun ang talagang kaligayahan para sa akin,” sabi niya.

?Ngayon ay kabi-kabilang mee­ting na ang kailangang asikasuhin ni Willie para sa matinding paghahanda nila ng pamilya Villar sa bubuksang bagong network, ang Advanced Media Broadcasting System, hindi biro ang pagtatayo ng istasyon ng tele­bisyon.

?Si Willie ang pinili ng mga Villar na mag-asikaso sa lahat ng mga kailangan, ‘yun naman talaga ang kanyang linya, kaya ganu’n kalaki ang tiwala sa kanya ng pamilya.

?Nakita kasi ng mga Villar kung paano niya bigyan ng panahon at malasakit ang pagtatayo ng kanyang studio, personal siyang nakatutok sa lahat ng aspeto, isa na rin siya sa mga karpintero sa dedikasyong ibini­bigay niya.

?Wala silang sinasayang na panahon nga­yon, una nilang tinutukan ang transmitter, kasunod na nu’n ang mga equipment para tuluy-tuloy na ang serbisyo ng bagong network.

?Kung ang pamilya nga naman ng mga Villar ang mamumuhunan ay imposible ba? Nakasulat ang pangalan ng pamilya sa libro ng mga nangu­ngunang bilyonaryo sa ating bayan, wala silang hinawakang negosyo na hindi naging ginto sa katagalan.

WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with