^

PSN Showbiz

Charo, nawala ang takot nang magkasakit ang asawa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Charo, nawala ang takot nang magkasakit ang asawa
Charo.

Aminado si Charo Santos na nalampasan na niya ang takot sa COVID.

Pabalik-balik sa hospital ang mister ni Ma’am Charo dahil sa sakit nito at noong umpisa ng pandemic ay umamin siya sa isang interview na talagang nagkaroon siya ng matinding anxiety.

Pero ang good news niya kahapon, maayos na ang kondisyon ng kanyang asawa. “He’s now in his best condition. So, hinarap ko ‘yung takot ko sa COVID. I was there with him every step of the way in his journey to wellness,” pahayag ni Ma’m Charo kahapon sa ginanap na laun­ching ng latest campaign ng Sun Life na Partner in Health kung saan isa siya sa mga ambassador kasama sina Matteo Guidicelli and Piolo Pascual.

“So, if there’s one thing that I recognize and appreciate about myself is the inner strength and the sense of resilience that I have. So, huwag tayong matatakot. Let’s stay calm, let’s follow the rules. Let’s listen to the experts and let’s just be guided by what our intuition says. And gagawin natin ang tama all the time. ‘Yun ang lumabas sa akin – the sense of resilience na kaya mong gawin lahat para sa mahal mo sa buhay,”  banggit pa ni Ma’am Charo kahapon.

Samantala, pareho namang nagpapasalamat  sina Piolo and Matteo na hindi sila nagkasakit  maging ang mahal nila sa buhay sa mahabang laban ng lahat sa covid-19. “I was just there for  my Mom the whole time because you know, I didn’t want her to feel na just because she’s old, you know, she feels isolated, so you know, the sense of family,”  sabi ng aktor sa kanyang pinagdaanan.

“Especially we were stuck together for three years, you know, just the sense of family knowing na whatever happens, we’re there for each other. Good thing, wala naman pong nagkakasakit sa amin,”  dagdag pa ni Papa P.

Wala ring naging health issues kay Matteo or sa asawang si Sarah Geronimo at sa kanilang pamilya. “We try to keep us as safe as possible, as careful as possible,” aniya.

Anyway, ang kampanya nilang Partner in Health ay binubuo ng mga digital na video kung saan sila ay magsasalita tungkol sa mga aral mula sa mga nakaraang karanasan at isa na rito ang pag-i-invest sa kanilang kalusugan.

 

CHARO SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with