^

PSN Showbiz

Elisse, may nadiskubre kay McCoy

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elisse, may nadiskubre kay McCoy
McCoy at Elisse
STAR/ File

Taong 2019 nang huling nagkatambal sina Elisse Joson at McCoy de Leon sa pelikulang Sakaling Maging Tayo. Ngayon ay mu­ling nagkatambal ang magkasintahan sa pelikulang Habang Buhay.

Ayon kay Elisse ay malaki ang pagkakaiba ngayon kung paano sila ni McCoy sa trabaho kumpara noong hindi pa sila magkasama sa iisang bubong. “First time ulit namin na mag-work together. So it’s exciting kasi last time ang daming challenges na pinagdaanan no’n. So ngayon na lang po kami nagkasama sa isang project and nakakatuwa kasi at least ngayon ay iba na. Iba na ang feeling, iba ang pakiramdam,” bungad ni Elisse.

Napaisip pa umano ang magkasintahan kung mayroon pa ring kilig ang kanilang tambalan ngayong mayroon na silang anak.

Matatandaang ibinahagi ng magkasintahan sa publiko ang tungkol sa pagkakaroon ng anak noong Oktubre. “Minsan meron pa rin kaming moments na, ‘Ay! Parang ito pa rin ‘yung feeling dati.’ Akala nga po namin na we won’t be... parang, ‘Mayroon pa ba tayong connection?’ May worry kaming ganoon, but it comes out naturally. So nakakatuwa naman po na nagagawa namin ngayon better ‘yung mga kailangan naming gawin,” paglalahad ng aktres.

Nalungkot daw sina Elisse at Mccoy noong unang beses na iniwanan ang anak na si Felize upang mag-shooting. Sampung buwang gulang pa lamang ang bata ngayon. “Nakakalungkot, ‘yung pinaka-sacrifice naming dalawa dahil sa pareho kaming wala. But she’s in good hands. Kasi kasama niya ‘yung grandparents. Natuwa rin sila na kasama si Felize,” kwento ni Elisse.

Bilang mga ganap nang magulang ay mayroon pa ring mga nadidiskubre ang aktres sa kasintahan. “Mayroon ka palaging malalamang bago sa bawat isa. Si McCoy, he may seem like parang very mysterious lagi, may wall, he’s okay. Happy but lagi niya ring hinahanap ang comfort. He doesn’t ask for it but you will feel it na kailangan din pala niya ng konting kamusta, comfort, hug. ‘Yung mga simpleng bagay na gano’n,” pagbabahagi ng aktres.

Jona, na-burnout sa social media!

Pansamantalang nagpahinga si Jona sa trabaho at mahigit limang buwan ding nagpahinga sa social media noong isang taon. Ayon sa singer ay sobrang pagod ang kanyang naramdaman noon dahil sa mga nangyayari sa paligid at sari-saring nababasa kaya kinailangang mag-social media detox. “Even social media parang na-burnout din. Kasi ‘yung unang panahon sa social parang happy ka pa na nagpo-post dahil you just enjoy posting, sharing and all. Pero parang nag-iiba na ang takbo ngayon ng social media,” paliwanag ni Jona.

Mas napagtutuunan daw ng panahon ng dalaga kung ano ang magiging reaksyon ng netizens sa kanyang mga ibinabahagi sa publiko lalo na sa Instagram. “When you post, masyado ka nang concerned sa maganda ba ang post ko, maganda ba ang caption ko, marami bang likes ‘to, magkakaroon ba ako ng maraming followers. But mali ‘yung ganoong perspective. So kailangan kong itama ang perspective ko during my absence,” pagtatapat ng singer.

(Reports from JCC)

MCCOY DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with