^

PSN Showbiz

Aktres na nalunod sa palakpakan, rumarampa-rampa na lang ngayon sa isla

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kasama ang isang kilalang female personality sa show sa ibang bansa na tinanggap ng kanilang network. Marami sila, may mga mas sikat pa kesa sa kanya, pero walang pinalutang na kaartehan.

Namumukod-tangi ang female personality sa kaartehan, palagi siyang nakasimangot, hindi niya binabati ang mga artista at singers na sikat.

Kuwento ng aming source, “Sa pagpasok pa lang niya sa airport, e, kakambal na niya ang kaartehan. Kasabay niyang pumasok ang ka-love­team niya.

“Naka-shades siya na malaki, ‘yung halos natatakpan na ang kalahati ng face niya, para siyang super-sikat na artistang ni hindi man lang bumabati sa mga kasamahan niyang performers!

“Nagkakatinginan na lang ang mga tunay na sikat. Bakit? Ano kaya ang akala ng girl sa kanyang sarili, siya na ang pinakasikat na artista sa grupo?” unang kuwento ng aming source.

Tumuloy muna ang grupo sa isang restaurant para sa isang welcome presscon at para makapag-agahan na rin. Natural lang na maraming Pinoy reporters na nagdatingan.

Patuloy ng aming source, “Nakasimangot pa rin siya, wala siya sa mood, para siyang nakakaamoy ng kung anong mabaho sa paligid. Unang tanong sa kanya, ‘How are you? Kumusta naman ang biyahe? Is this your first time here?’

“Ay, patola ang girl! Hindi maganda ang tabas ng dila! Ang sagot niya, ‘Obvious bang pagod? Saka it’s not my first time here, naka ilang balik na ako dito! And you should know that, reporter ka, di ba?’

“Naloka ang lahat sa pagmamaldita niya! Napakaganda ng tanong sa kanya, pero nairita na siya agad-agad? Ang daming nainis sa kanya! Nagmukha na siyang eng-eng dahil wala nang nagtanong pa uli sa kanya!” chika pa rin ng aming source.

Mula nu’n ay tinawag na siyang nega ng mga artistang kasama niya, pati ang staff ng production, nega na rin ang turing sa kanya.

Sabi na lang ng aming source, “May sariling mundo ang babaeng ‘yun! Feeling niya! Nahawa na siya sa kasupladuhan ng ka-loveteam-boyfriend niya!

“Nasaan na siya ngayon? Waley na! Wala na siyang regular show, wala siyang trabaho, kaya palagi na lang siyang rumarampa sa isang isla!

“Ano pa ang ipagmamaldita niya ngayon, iniwan na rin siya ng boyfriend niya, pati ang malaking kumpanyang napakalaki ng nagawa sa career niya, e, kinalaban niya?

“Haaay, naku! Ang mga artista nga naman kapag nakakarinig na ng mga palakpak at sigawan, nalulunod na!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Toni, ‘di nabahag ang buntot

Hindi nabahag ang buntot ni Toni Gonzaga sa pangil ng mga umuupak sa kanya sa social media. Nu’ng Lunes ay siya pa rin ang kasama sa kampanya nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Mandaluyong.

Balitang-balita na isandaan at dalawampung milyong piso diumano ang ibinayad sa singer-actress para sa kabuuang kampanya ng mga kandidatong sinusuportahan niya.

Napakalaking halaga nu’n, kayamanang tumataginting na kung tutuusin, pero ang tanong ay kung may resibo ba namang maipakikita ang mga naglalabas ng kuwento?

At sakaling totoo nga ang halagang pinagpipistahan, meron ba namang aamin nu’n sa pagitan ni Toni at ng partido, kaya puro kuwento-kuwento lang ‘yun.

Napakalapit pala ng dugong nag-uugnay kina Direk Paul Soriano at Attorney Liza Marcos, hindi pala ‘yun basta pagkakamag-anak lang, malapit na pamangkin ng misis ni BBM ang asawang direktor ni Toni.

Tayo pa namang mga Pinoy, kapag kadugo na natin ang nakataya sa laban, siguradong du’n tayo. Sinasabi natin na isang araw lang ang eleksiyon, mabilis ding huhupa ang labanan, samantalang ang pamilya ay panghabambuhay.

Mahirap kuwestiyunin ang ibinibigay na suporta ni Toni kay BBM, mag-asawa sila ni Direk Paul, anuman ang ikuda ng kahit sino d’yan ay hindi natin mababali ‘yun dahil mag-asawa sila.

Sabihin na nating isinuko ni Toni ang kanyang prinsipyo sa pagbibigay ng suporta kay BBM at sa tiyahin nitong si Attorney Liza, ‘yun ay maglalaro lang sa isip ng mga taong kontra kay BBM at ibang kandidato ang sinusuportahan, labas na sa relasyon ang argumento.

Tayo na rin naman ang nagsasabi, mas matimbang ang dugo kesa sa tubig, pinatotohanan lang ‘yun ni Toni. May bayad man o wala, siguradong kay BBM pa rin ang suporta ni Toni, hindi siya kakampi sa ibang kandidato.

Sa kadugo pa rin siya ni Direk Paul, dahil sila ng direktor ay iisa na lang nang magpakasal sila, kaya hanggang sa pagtuligsa na lang ang magagawa ng iba kay Toni Gonzaga.

PAUL

TONI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with