^

PSN Showbiz

'Milyong halaga nanakaw': Gerald Anderson nabiktima ng basag-kotse gang

James Relativo - Philstar.com
'Milyong halaga nanakaw': Gerald Anderson nabiktima ng basag-kotse gang
Litrato ng aktor na si Gerald Anderson
Mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

MANILA, Philippines — Milyun-milyong pisong halaga ng mga kagamitan ang natangay ng ilang kawatan sa Quezon City matapos basagin ang sasakyan ng aktor na si Gerald Anderson.

Sa isang CCTV footage, makikitang nilooban ng dalawang suspek ang kotse ni Gerald na noo'y nakaparada sa kahabaan ng Roces Avenue, Quezon City. Nangyari ang krimen sa harapan ng isang gym noong ika-31 ng Enero.

"Reaksyon ko? Shocked. Basag 'yung salamin ng kotse ko," sabi niya sa panayam ng ABS-CBN, Lunes.

"[Kasama sa mga nakuha] 'yung mga IDs ko, passport, mga gadgets ko like laptop... Ang sama ng pakiramdam na 'yon eh, 'yung information mo, 'yung credit card, ATM card mo... nawala." 

Isa sa mga kasabwat ng mga suspek ang sumuko sa otoridad matapos matunton ng National Bureau of Investigation (NBI). Aminado naman siyang binuksan niya ang email account ni Gerald gamit ang ninakaw na laptop.

Matapos nito, in-access ng nabanggit ang crypto wallet ng aktor at inilipat ang nasa P50,000 sa kanyang sariling GCash account.

Sumuko naman kalaunan ang mga suspek na nagnakaw sa sasakyan ni Anderson matapos kumanta ng kanilang kasabwat. Paliwanag nila, hindi nila sinadyang targetin ang kotse ni Anderson. 

Aniya, nalaman na lang nila na ang nabanggit na pala ang kanilang napuntirya matapos makita ang wallet na nasa loob ng ninakaw nilang bag.

"Grabe, ang lalakas talaga ng loob niyo [mga suspek], kasi sa harap pa talaga ng pinto [ng gym]... I want to make this [incident para sa awareness] ng tao," babala ni Gerald sa publiko na maaari ring biktimahin ng mga kriminal.

"'Wag talagang mag-iwan ng bag sa loob ng kotse niyo."

CAR

GERALD ANDERSON

QUEZON CITY

THEFT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with