^

PSN Showbiz

Carla at Tom, ‘di napilit ang balikan?!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla at Tom, âdi napilit ang balikan?!
Carla.

Sayang naman ‘yung Carla Abellana / Tom Rodriguez romance.

Aside from they look so good together, matagal na rin naman ang relasyon nila kaya nakakahinayang talaga. Parang isang sample na na-outgrow ng isa’t isa ang nararamdaman nila kasi nga after a long relationship biglang parang hindi na nag-work ang pagmamahalan nila. Mahirap naman ipilit kung talagang wala na.

Pero sana they will end up as friends dahil nagtagal naman sila as lovers. Mukha namang parehong mabait ang dalawa kaya tiyak na magiging amicable ang kanilang paghihiwalay. Lovers no more, but friends forever, puwede naman ‘di bah.

Heart, nahanap ang tahanan

Ang ganda naman pala ng relasyon ni Heart Evangelista sa mga anak ni Gov. Chiz Escudero. Para lang talagang ate siya ng mga anak ng senador at chummy chummy sila ‘pag together.

Kaya masasabi mo na talagang nakita na ni Heart ang tahanan para sa kanya, ‘yung pagiging misis niya. Complete ang feeling niya dahil halos parang isang mommy na rin ang turing sa kanya ng mga anak ni Gov. Chiz. At iyon sigurong contentment niya sa piling ng asawa niya malaking bagay kaya lalo pang tumitingkad ang beauty ni Heart.

Sana nga may katuparan ang salitang forever, para iyon ang mangyari kina Heart at Chiz.

CARLA ABELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with