^

PSN Showbiz

Pia, mabilis napa-oo ni Papa Pi!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia, mabilis napa-oo ni Papa Pi!
Pepe, Pia at Piolo
STAR/ File

Mabilis napa-oo si Pia Wurtzbach ni Piolo Pascual para sa ABS-CBN sweetcom na My Papa Pi with Pepe Herrera. “Hindi ko po in-expect. Nandiyan na ‘yung project and ‘nung araw na sinabi po sa akin itong sweetcom, nag-decide ako sa araw na ‘yun na gagawin ko siya. Sobrang grateful po na napili nilang makasama ako rito,” aniya without mentioning na si Angelica Panganiban ang u­nang napabalitang kasama rito kung saan nga nagpatayo pa ng sari­ling set ala-Tondo si Direk Cathy Garcia-Molina.

Nag-swak din daw sa sche­dule kaya nag-yes siya right away. Nag-make way talaga raw siya para gawin ito. “Tapos ang perfect pa ng project kasi malalabas ko ang kulit ko, it’s great way to come back,” sabi pa ni Queen Pi.

More than 10 years na pala siyang hindi nakakaarte at jelly fish pa raw ang role niya nung huling programa niya.

Samantala, natatawa na lang si Papa Pi na lahat ng tao ay ‘yun na ang tawag sa kanya. “At first nakakatawa ‘di ba, pero kaysa sa tawagin kang tito, mas okay na ‘yung Papa Pi. It’s really overwhelming. Nakakatuwa lang kasi it’s a term of endearment,” aniya sa ginanap ng media conference kahapon ng hapon ng programa na mapapanood beginning March 5 sa Kapamilya channel every Saturday night.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with