^

PSN Showbiz

Kris, hindi pa rin makita ang perfect match!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, hindi pa rin makita ang perfect match!
Kris
STAR/ File

Gusto kong batiin ng Happy Valentine Birthday si Kris Aquino.

Akala ko pa naman meron na siyang magiging partner ngayong Valentine na tamang-tama dahil birthday rin niya, pero iyon na nga, na-discover niya na hindi karapat-dapat para sa kanya si Mel Sarmiento na mukha lang nagamit pa siya dahil sa relasyon nila.

Sayang dahil akala ko pa naman heto na ang perfect match kay Kris, perfect time dahil emotionally mature na siya at tamang-tama na panahon na kailangan niya ng someone sa tabi niya. Mahirap talaga makipagsabayan kay Kris ‘pag hindi ka prepared to take the risk na ma-overshadow niya dahil sa lakas ng presence niya, plus the fact na siyempre Kris Aquino nasa limelight ka lagi. ‘Pag mahina ang presence mo talagang wala kang laban. At ‘pag mahina ang personalidad mo, tatalunin niya.

Pero ‘yun na si Kris, hindi na mababago, kaya dapat umpisa pa lang tanggap na ng manliligaw sa kanya. Palagay ko nga bagay sila ni Herbert Bautista dahil may sarili ring career si Herbert. Noong panahon ni James Yap equal din sila sa kinang dahil basketball superstar si James.

Dapat talaga equal ang kinang ng lalaki sa kinang ni Kris. At para magtagumpay ang relasyon nila, kayanin ng partner ni Kris pati ang mental excellence nito. Mahirap talaga. Pero siguro naman at this point hindi na naghahanap ng lovelife si Kris. Ok na siya sa piling nina Joshua at Bimby, plus dapat talaga nasa perfect shape ang kanyang health.

Basta all the best for Kris, at tunay na happiness sa birthday niya. Araw ng mga puso, bagay sa isang mapusong tao na tulad ni Kris. Happy Birthday, Krissy, all the best.

Mga kandidatong may pondo, siksik-liglig ang ads

Alam mo agad kung sino sa mga kandidato ang may pondo. Makikita mo sa ads na lumalabas sa TV at mga naririnig sa radio ang merong budget for promo. ‘Yung iba ngang kandidato talagang siksik ang ads dahil halos lahat ng primetime shows talagang may spot sila. Kawawa nga ‘yung wala dahil hanggang ngayon hindi sila kilala ng tao.

Dapat talaga para makilala lahat ng tumatakbo magkaroon ng paraan para malaman ng tao. Either suyurin lahat ng kalye, damihan ang posters, o iyon ngang magkaroon ng commercial na puwedeng mapanood ng tao. Pero siyempre lahat iyan gagastahan, kaya kailangan ang budget.

Siguro nga dahil pandemic, cost cutting din ang marami kaya naman hayan, kitang-kita mo ang may pera at wala. Kaloka, pati nga entertainers nawalan ng trabaho dahil wala nang mga miting de avance, wala nang house to house, merong motorcade pero bihira ang stars. Kaya nga now, sa ads ba lang sa TV at radio umaasa. Medyo bawas pa, tipid pa more.

KRIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with