^

PSN Showbiz

Jessy, itinodo na ang sexy pictorial

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy, itinodo na ang sexy pictorial
Jessy.

Itinodo na ni Jessy Mendiola ang sexy pictorial before her 30th birthday. Kaka-turn 29 niya last December.

Pero sabi nga niya ay muntik na niya itong hindi ma-post. “Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. LOL. Muntik nang hindi ma-post ito,” aniya sa bandang huli ng kanyang caption.

Pinusuan naman agad-agad ito ng netizens. Uwian na raw dahil may nanalo na.

Matagal-tagal na raw nang gawin niyang ang ganitong photo shoot.

“Giddy up.

“It’s been a long time since I had a photo shoot like this. Last hurrah before I turn 30 this year!” aniya at hindi raw siya makapaniwala na nagawa niya ang ganito.

“Eto na eto na, pauwi na po,” naman ang reaction ng mister niyang si Luis Manzano na kinaaliwan ng followers nila.

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with