^

PSN Showbiz

Boy Abunda, nagsalita sa ginamit na rule sa interview sa presidentiables!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakausap ko si Kuya Boy Abunda nung kainitan ng presidential interviews niya sa kanyang YouTube channel at Kapamilya channel.

Ipinakiusap na lang niyang huwag na lang isulat ang kung ano mang napag-usapan namin dahil ayaw na niyang patulan ang mga naglalabasang opinyon ng mga taong nakapanood sa limang presidentiables.

Lalo kasing uminit ang isyu nang umalma ang suppor­ters ni VP Leni Robredo sa kanyang one-on-one interview.

Hindi sila natuwa sa madalas daw na pag-interrupt ni Kuya Boy sa mga sagot ni VP Leni.

Pero napanood ko ang limang interviews ni Kuya Boy, mas marami siyang interruption sa mga sagot ni Sen. Ping Lacson.

Ipinaliwanag sa akin ni Kuya Boy, na ang rule sa interview na ‘yun ay may limang minuto sila para sagutin ang tanong. Sa unang 2 minutes ng sagot ay ibibigay sa kanila ‘yun ni Kuya Boy, pero after 2 minutes, puwede nang sumingit ang host para magkaroon ng discussion.

Aware raw diyan ang mga kandidato at naipaliwanag ito sa kanila nang maayos. Ayaw na lang patulan ni Kuya Boy ang mga sinasabi ng supporters ni VP Leni. Pero ipinaliwanag niya ito sa mga kaibigan niya, at isa nga rito si Rita Avila na isa sa unang nag-react sa interbyung ‘yun.

Nagkausap na nga sila ni Kuya Boy at ipinost ito agad ni Rita sa kanyang Instagram account.

Sabi ng aktres sa kanyang IG post nung nakaraang Biyernes; “For the longest time, Boy and I have been good friends though we do not see each other often. We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissen­ting comments or otherwise about relevant issues.

“Out of decency, I reached out to him and he called to return the respect. In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world.”

Sinabi rin niya sa kanyang IG story na pinuri ni Kuya Boy si VP Leni sa kanilang pakikipagpanayam. Aniya; “Boy had good words for VP Leni when he called me up; am sharing this para medyo maoawnaman ang mga puso na­ting nasaktan.”

Hindi naging isyu sa magkaibigan ang opinyon ng bawat isa. Iginalang ni Kuya Boy ang inilabas na sentimiyento ni Rita sa kanyang social media account.

Sabi pa ng aktres sa kanyang IG story: “Boy didn’t see anthing wrong with my public opinion, you are free to think of what you want but what matters to me is Boy.”

Si Sen. Manny Pacquiao ang huling na-interview ni Kuya Boy nung nakaraang Biyernes, at mataas din ang viewership nito.

As of yesterday, halos naka-2M views din ito at papataas pa.

Tom at Carla, tikom pa rin sa hiwalayan

As of today, may 1.39M subscribers na ang YouTube channel ni Kuya Boy at lalo pang ma­dagdagan ito dahil ang dami pa ring interesadong mapanood ang one-on-one interview niya sa limang presidentiables.

Mainit pa ring pinag-uusapan ang isyung diumano’y hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

May mga tumatawag na sa akin para magtanong lang kung ano talaga ang totoo rito.

Halos iisa ang nararamdaman nila na nakakapanghinayang, dahil kakakasal lang, maghihiwalay na agad. At karamihan sa nakakausap ko ay naaawa kay Carla.

Ganun naman talaga sa isyung hiwalayan. Madalas ay nasa babae ang simpatiya ng mga tao.

Ang kampo naman ng beauty-queen actress na si Kelley Day ay nababahala na dahil kung anu-ano pa raw ang lumalabas na kuwento tungkol sa pagkakadawit nito sa isyu nina Tom at Carla.

Tikom pa rin ang bibig ng mag-asawa, at kahit anong kulit ko sa manager nilang si Popoy Caritativo, wala itong sagot.

Tuloy pa rin naman ang trabaho nila.

Sa katunayan, special guest si Tom sa All-Out Sundays ngayong araw. Babalik na sa live ang naturang Sunday musical-variety show, at tila kailangan ang iba pang stars, dahil hindi pa kasali rito si Alden Richards.

Kaya si Tom ang isa sa kinuhang special guests na may nakahandang production number at maghu-host.

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with