^

PSN Showbiz

Serye nina Marian, Lloydie at Maine, wala pang kumpirmasyon

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Serye nina Marian, Lloydie at Maine, wala pang kumpirmasyon
Marian
STAR/ File

Aliw ring basahin ang mga post sa social media tungkol sa inilalabas na coming projects ng ilang sikat na artista.

Post lang naman ‘yon at walang kumpirmasyon kung totoo o fake news, huh!

Example: Magsasama raw sa isang Kapuso pro­ject sina John Lloyd Cruz, Maine Mendoza at Marian Rivera na parang nabasa rin lang naman nila. Wow, bongga ang casting, huh!

‘Yun nga lang, sa next post, nabago uli ang cas­ting. Nawala si Marian pero retained pa rin sina Lloydie at Meng.

Ang nadagdag na cast? Si Ariel Rivera! Ay, nandito ba sa bansa si Ariel eh ‘di ba, nasa Canada na siya?

Nawala sa cast si Marian dahil kaya nag-positive sa COVID-19? Ano ba ‘yan, hindi pa nga confirmed unang cast, may changes agad!

What do you think, Salve A.?

Bea at Alden, walang urungan

Ang medyo may semblance of truth sa balitang lumabas ay ang pagsisimula ng shooting nina Alden Richards at Bea Alonzo nitong February.

Yes, wala nang urungan ang pagsisimula ng shooting nina Alden at Bea sa movie nila na adap­tation ng isang foreign (Korean ba, Salve A.), movie.

By that time, tapos na ang docu-concert ni Alden na ForwARd na sa Jan. 30 mapapanood.

Ang shooting ng movie ang trabahong gagawin niya dahil wala na siyang TV series at tapos na ang bakasyon sa Tate.

Naku, utang na loob, simulan na ‘yang Alden-Bea movie, huh! Tagal na niyan. 

KAPUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with