^

PSN Showbiz

Aktres na nagwala nang makakita ng multo sa kanilang bahay, nagalit sa blind item!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dati, ang mga blind items ay hindi inaangkin ng mga artista, kahit alam na nilang sila ang bumibida sa pitik-bulag ay nananahimik na lang sila.

Para nga naman hindi na lumaki pa ang kuwento, para nga naman hindi sila masabihang para silang pigsa, malayo pa ang karayom ay pumuputok na sila.

Pero nagbago na ang panahon. May mga artista nang nagagalit kapag nabasa nila na sila nga ang naka-blind item. Napakabilis nilang angkinin ang kuwento.

Maraming ganu’ng senaryo. Galit na galit ang isang female personality sa nagsulat ng blind item tungkol sa isang babaeng artistang nakakaloka ang imahinasyon.

Kuwento ng aming source, “Ang nasulat kasi, e, tungkol sa isang female personality na nakakakita ng multo sa bahay niya. Natural, takot na takot ang mga kasambahay niya!

“Siya lang ang nakakakita ng mga sinasabi niya, wala namang nakikita ang mga kasambahay, kaya takang-taka sila kung bakit ganu’n ang madam nila!

“Nu’ng minsan, e, nagtatakbo pa siya sa subdivision, meron daw kasing pumasok na lalaki sa bahay niya, pero nu’ng makita na siya, e, biglang nagtatakbo!

“Sabi ng mga guards sa gate, walang puwedeng makapasok sa bahay niya, naglalakad man ‘yun o nakakotse, dahil siguradong dadaan sa mga guwardiya!

“Pero kitang-kita raw niya ang nakamaskarang lalaki, itim kuno ang suot, nakapasok na raw sa gate nila ‘yung lalaki! Kaya raw siya nagtatakbo palabas ng bakuran niya, hinabol daw niya ang lalaki!

“Napapailing na sabi sa kanya ng guwardiya, ‘Ma’m, kung totoo man ang sinasabi n’yo, e, inilagay n’yo lang sa indulto ang sarili n’yo. Paano kung sinaktan niya kayo? Paano kung hindi lang ‘yun ang nangyari sa inyo?’

“Nagtatakbo na naman pauwi ang female personality, takot na takot siya, ayaw pa raw niyang mamatay! Kailangan pa raw siya ng mga anak niya!” kuwento ng aming source.

Nang ma-blind item ang naganap dahil may taga-showbiz ding nakatira sa subdivision ay galit na galit ang female personality. Hindi raw totoo ‘yun, fake news daw ‘yun, sabi pa ng female personality.

Sabi na lang ng aming source, “Nagsisinungaling ang mga guwardiya ng subdivision? Nag-iimbento lang ng kuwento ang mga nakakita sa kanya habang takbo nang takbo?

“Masarap talaga siyang hampasin ng bareta ng sabon! Ilusyunada! Natatakot siya sa sarili niyang multo!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, may lakas pag nagso-social media

May mga nakakausap kaming kaibigan na hindi na masyadong nag-aalala sa kundisyon ng pangangatawan ngayon ni Kris Aquino. Hangad pa rin nilang makabawi sa sobrang kapayatan ang TV host pero hanggang du’n na lang ‘yun.

Sabi ng isang guro naming kaibigan, “At least, maganda na ang nangyayari, hindi na ako masyadong nag-aalala sa kanya. Dati kasi, e, sobra akong problemado.

“Nu’ng makita ko ang video at mga pictures niyang halos buto at balat na lang siya, talagang awang-awa ako sa kanya. In fact, I prayed for Kris.

“Pero nu’ng sunud-sunod na siyang nagpo-post, naisip ko, maayos na siguro ang health niya, kasi, para makapag-post siya ng ganu’n, she must be feeling better na,” paliwanag ng aming kaibigan.

‘Yun ang punto ng mga kababayan nating bumibira kay Kris ngayon sa social media. Sana raw ay tigilan na niya ang pagpo-post, ang paglalabas ng mga rebelasyon, ang pagbira sa kanyang dating karelasyong si Mel Sarmiento.

Ang tao raw kasing maysakit na dumadaan sa health emergency ay hindi na makukuha pang mag-post nang mag-post. Utak ang gumagana kapag ganu’n, sumusunod lang ang katawan sa estado ng isip, kaya sa pagpapa­lagay ng mga bashers at haters ni Kris ay isinasangkalan lang niya ang kanyang pagkakasakit.

Kung minsan talaga ay nakapagdududa ang isang bagay kapag iba naman ang ginagawa ng maysakit. Matindi pala ang kanyang pinagdadaanan, sobra nang bumabagsak ang kanyang timbang, pero paano pa niya naihahanap ng panahon ang pagpo-post?

Ngayon ay pinapayuhan ni Kris ang mga tagasuporta niya na huwag nang pansinin pa si Mel. Nakuha na raw nito ang kanyang gusto, napasikat na raw niya ito, kaya deadma na lang dapat kay Mel ang kanyang mga loyalista.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “At partida pa ‘yan, ha? May pinagdadaanan pa siyang matinding sakit n’yan? Paano kung wala pala siyang dinaramdam? Inihaw nang sunog na sunog sigurado si Mel!”

Haaaay!!!!

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with