^

PSN Showbiz

Female personality parang nagda-drama na lang, ex ayaw tantanan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit nananahimik na!

Ginagawang chicharong bulaklak ngayon na pamulutan sa social media ang isang popular na female personality. Sarap na sarap ang marami sa pag-upak sa kanya, siya ang paboritong paksa nga­yon ng mga Marites, talagang bira kung bira ang ipinakakain sa kanya.

Sa halip na kaawaan ay walang simpatyang ibinibigay sa kanya ang mga bashers, kinukulapulan pa nga siya nang masasakit na salita, ‘yun daw ang kailangan niyang matikman para magising na siya sa katotohanan.

Unang kuwento ng aming source, “Ang titindi ng mga pag­husga sa kanya! Huwag na lang niyang babasahin ang mga ‘yun, deadma na lang dapat siya, dahil baka mapadali lang ang buhay niya!

“Kasi naman, feeling ng mga kababayan natin, e, pinaiikot lang tayo ng female personality na ‘yun! Naglabas siya ng kung anu-anong ebidensiyang grabe na ang sakit niya, pero panay-panay pa rin naman ang pagpo-post niya!” sabi ng aming impormante.

Overkill. Ganu’n, sa palagay ng mga netizens, ang ginagawa ng female personality. Tama na dapat ang minsan lang, pero kapag nadagdagan pa nang nadagdagan ay talagang bubuweltahan na siya, talagang uupakan.

Patuloy ng aming source, “Nananahimik na nga ‘yung ex niya, pero sige pa rin siya nang sige sa kalalabas ng mga revelations! Ano ba naman ‘yun? Ganu’n ba ang maysakit na malala?

“Nawawalan tuloy ng saysay ang mga pagkaawa sa kanya, napapalitan ng inis, dahil ganu’ng matindi na pala ang sakit niya, e, kuda pa rin siya nang kuda! Ang totoong may matinding sakit, e, nananahimik na lang!

“Sobra-sobra na ang mga ginagawa niya, hindi siya makapagpigil, talagang dadaldal at dadaldal pa rin siya! Nagdadalawang-isip na tuloy ang mga naaawa sa kanya, napapalitan na ‘yun ng inis, iba naman kasi ang mga ginagawa niya sa mga sinasabi niya!

“Saka tantanan na niya ang paglalabas ng mga video at pictures tungkol sa condition niya. Tama na ang medical certificate, kulang pa ba naman ‘yun para sa kanya?

“Gustung-gusto niya ang ganyan, kasi, wala na namang pag-uusapang bago tungkol sa kanya. Wala na siyang career, ano pa ang maasahan niya? Ayaw talaga niyang magpakabog!

“Kapag may pinag-uusapang personality, lalo na kung sobrang trending, gagawa at gagawa rin siya ng paraan para mapag-usapan siya! Relevant nga naman siya!

“May tama ka! Wala nang kailangang clue, wala nang mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, dahil halos pangalanan na nga siya sa kuwentong ito?” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vice, consistent na hindi tumatanggap ng mali

Ang pinalulutang na pagkapikon ngayon at pagiging balat-sibuyas ni Vice Ganda ay senyal na ng pag-aalala sa kung saan hahantong ang kanyang popularidad at karera.

Tinatamaan na ng pagiging insecure ang sikat na komed­yante. Dahil kung buung-buo pa ang tiwala niya sa kanyang kasikatan at career ay hindi siya maghahanap ng mga kalaban.

Pikon si Vice. Magaling siyang mamikon ng kanyang kapwa, pero kapag siya ang napipikon, ayaw na ayaw niya sa ganu’n.

Alam ni Vice Ganda ang pinasok niyang mundo. Ito ang balwarteng wala siyang ligtas sa pamumuna, hindi siya makatatakas sa mga pagpansin, dahil public figure siya.

Pero ano ang gustong mangyari ng komed­yanteng ito na ihinahalintulad ang kanyang sarili sa kabayo? Puro magaganda lang ang kailangang mabasa niya, puro papuri lang dapat ang maririnig niya, dahil kapag merong nega ay maninipa siya.

Napakagaling niyang mangpahiya ng ibang tao, kung pangaralan niya ang mga Marites ay para siyang guro na walang bahid-dungis, samantalang marumi rin naman ang bibig niya.

Maraming sinasaktan si Vice, hindi na lang kumikibo, dahil kilalang-kilala siyang benggadora. Hindi siya tumatanggap ng mga pagkakamali, napakalinis niya talaga, baka nga pagdating sa paghuhukom ay siya lang ang maligtas sa pakiramdam niya.

Hanggang hindi humaharap sa katotohanan si Vice Ganda ay mawawalan ng saysay ang kung anumang meron siya. Mananatiling punumpuno ng galit ang kanyang puso sa mga taong pumapansin-pumupuna sa kanya.

Ayaw niyang may kumokontra sa kanya? Mamundok siya! Pero gustung-gusto niya ang pag-aartista, dito kumapal ang bulsa niya, ito ang mundong nagpabago sa estado ng kanyang buhay.

Daang milyon ang kinikita niya sa pag-aartista, natupad na ang lahat ng mga pangarap niya, kaya kailangang ihanda rin niya ang kanyang sarili sa presyong kailangan niyang pagbayaran sa pagiging sikat na artista.

Ano ‘yun? Hamig lang siya nang hamig ng kanyang kinikita pero kailangang nakasilid siya sa kahon na walang sinumang kailangang makialam sa buhay at karera niya?

Ano si Vice Ganda, sinusuwerte, katangi-tangi? E, kung ang mga mas sikat nga kesa sa kanya na sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Maricel Soriano at marami pang iba ay tumatanggap ng mga negatibong komento, siya pa ba ang magpapakapikon, siya pa ba ang magiging choosy?

vuukle comment

MARITES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with