^

PSN Showbiz

Sen. Bong pinagdarasal si Kris, nakiusap na tigilan na ang pamba-bash

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong pinagdarasal si Kris, nakiusap na tigilan na ang pamba-bash
Kris
STAR/ File

Nanawagan si Sen. Bong Revilla na ipagdasal na lang si Kris Aquino at ‘wag nang i-bash. Sa kabila nga kasi ng kalagayan ni Kris, marami pa rin ang ayaw siyang tigilan.

Sabi ni Sen. Bong na abala na sa promo ng Agimat ng Agila Season 2 : “Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipagkapwa-tao at pagmamalasakit sa isa’t isa. We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail.

“Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan – huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman.

“Get well soon Kris. Our prayers are with you.”

Anyway, inamin nga ni Sen. Bong na pinag­handaan niya ang Agimat ng Agila 2 lalo na nga at mas maaksyon ang ginawa nila rito na mapanood na uli starting Jan. 29.

Maganda ang naging feedback ng Season 1. In fact marami ang nabitin dahil nga ang iksi lang nito. “Sa season one kasi, naka-focus siya sa origins ng agimat ng agila and development ni Gabriel as a superhero,” banggit niya.

“Mas ma-action itong season two pero malakas pa rin ‘yung fantasy element. Mas hand-to-hand combat, mas physical action,” dagdag ng senador na habang naghihintay sa panibagong lock-in taping ay inikot muna ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette at ang huli nilang pinuntahan ay ang Siargao at Dinagat Islands nu’ng nakaraang Huwebes, Jan. 20.

“Mas pinaghandaan ko physically itong book 2. Gusto kasi ng ating mga viewers ng mas maraming aksyon kaya ‘yan ang pinaghandaan at ginagawa namin. Makikita nila sa action scenes sina Betong (Sumaya) at si Rabiya Mateo. Kung nagandahan na sila sa mga napanood nila sa book 1, hintayin nila itong book 2 and I’m sure hindi sila madi-disappoint,” ani pa ni Bong na namigay din ng libu-libong food packs, bigas at sampung libong yero sa Dinagat at Siargao kung saan kasama rin niyang nag-ikot ang first nominee Agimat Partylist na si Bryan Revilla.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with