^

PSN Showbiz

Gretchen, truck-truck ng bigas ang ayuda sa mga frontliner

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen, truck-truck ng bigas ang ayuda sa mga frontliner
Ana Abiera, Rusky Fernandez (third), Grace Medina (fourth), with Dr. Arturo S. de la Peña, president and CEO of St. Luke’s Medical Center (second), and Luilyn Sindac, manager of Health and Wellness Center St. Luke’s Medical Center-Global City.

Wow, talagang isang truck ng bigas ang pinadala ni Gret­chen Barretto sa medical frontliners ng San Lazaro Hospital last weekend.

Malaking bagay sa kasalukuyan ang bigas para sa mga frontliner natin. Hindi biro ang pinagdaraanan nila dahil dalawang taon na ang pandemya.

Kaya naman sobra ang pasasalamat ng resident doctor na si Dr. Cherry Abrenica na naging personal friend na ni Ms. Greta since hindi pala ito ang first time na nagbigay siya ng tulong sa nasabing government hospital.

Yup, noon pala nagbibigay na ng tulong ang former actress-socialite-philantrophist sa nasabing pagamutan. “Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa n’ya dati ang anak n’ya (Dominique) at mga pamangkin,” kuwento ni Dr. Abrenica.

At bilang appreciation sa ginawang pag-ayuda ni La Greta ng 1,328 sacks of rice para sa buong healthcare workers ng ospital, ayon sa isa sa trusted ni Ms. Greta na si Francis Simeon, nagpasadya ng imahe ni San Lazaro si Doc Abrenica na hindi raw nabibili sa kahit saang religious stores bilang pasasalamat nila sa palaging pag-alala at pagtulong sa kanila ni Ms. Greta. 

Aside from Francis, present din ang isa pa sa closest friends ni Ms. G na si Grace Medina sa turnover ng mga nasabing regalong bigas na buong araw pala ang ginawang ginawang pagdi-distribute.

Pagkatapos ng San Lazaro ay ang St. Luke’s Taguig naman ang pinuntahan nila kasama pa rin ang mga kaibigan ni Ms. G na si Ms. Rusky  Fernandez ng Resorts World Manila at former actress and businesswoman Ana Abiera.

Umabot naman umano sa 3,406 sacks of rice ang kanilang ipinamahagi sa mga frontliner ng nasabing hospital kasama na ang maintenance and security personnel, apart from the medical frontli­ners.

Past 7 p.m. na diumano last Saturday ay hindi pa tapos ang pag-unload ng mga saku-sakong bigas at past 9 p.m. na natapos ang turnover.

Kasi sa nasabing ospital pala na-confine at gumaling ang beloved Mommy Inday niya at mga kapatid nito nang magkaroon ang Barretto matriarch ng Covid-19, kaya malaki ang pasasalamat ng tinuturing nilang ‘angel sa lupa’ kasi nga kinabog pa niya ang  mga pulitiko sa pamimigay ng ayuda ngayong pandemya pa rin.

Susunod daw ay padadalhan ng mga ayudang bigas ni Ms. Greta ang Philippine General Hospital ngayong araw. Susunod na rin daw ang St. Luke’s Hospital QC, National Children’s Hospital, both in Quezon City at ang National Center for Mental Health o NCMH sa Mandaluyong City.

Susunod na rin diumano ang iba pang mga hospital.

vuukle comment

GRET­CHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with