^

PSN Showbiz

Sen. Bong, gustong gumawa ng pelikula na itatago muna!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong, gustong gumawa ng pelikula na itatago muna!
Sen. Bong at Rabiya.

Itinodo na nina direk Rico Gutierrez at Sen. Bong Revilla ang mga pasabog na mga eksena sa book two ng Agimat ng Agila.

Sa trailer pa lang ay nakikita nang mas maaksyon ito kesa sa book one.

Pero sabi ni Sen. Bong mas marami pang mga panggulat ang action-fantasy series niya na dapat abangan.

Kaya sabi nga ni direk Rico, pampelikula na raw ito, dahil dito na muna ibinuhos ni Sen. Bong ang gusto niyang gawin na dapat para sa pelikula.

“Very hands on kasi si Sen. Bong eh. Alam niya talaga ‘yung gusto niyang mangyari sa bawat eksena. Saka sa mga actors na mga kasama niya, talagang tinuturuan niya. So, even sa mga shot  ko, sinasabi niya na ‘direk what do you think kung may insert tayo ng ganito.’

“’Yung, talagang collaborative lahat kami dito sa Agimat ng Agila,” pakli ni direk Rico Gutierrez.

Pero gusto pa rin sana ni Sen. Bong na makagawa ng pelikula, pero tantiya mga two years pa ang hihintayin bago mabalik ang interes ang mga taong manood sa mga sinehan.

Kung sakali, baka gawin daw niya ang Alyas Pogi, pero hindi muna niya ilalabas sa mga sinehan kung ganito pa rin ang sitwasyon natin. Aniya; “I might do Alyas Pogi. Gagawa ko, kahit itabi lang muna natin. Hindi muna ipalalabas, hintay tayo ng right timing.

“I wanna do something big talaga na pang-theater, pang sinehan para makapanood uli ng malaking pelikula.

“Although, nagagawa naman natin. You can see naman dito sa Agimat, ang lalaki ng eksena.”

Iba pa rin daw talaga ang experience na sa sinehan mapanood ang mga pelikula natin. Kaya sana mabalik daw ang dating bonding ng pamilya na lumalabas, at magkakasamang nanonood ng sine.

“The way I look at it, iba talaga kapag na-experience nila sa sine. Kasi ‘pag pinapanood mo dire-diretso ‘no? Although, nandiyan na rin ‘yung mga Netflix… pero iba pa rin ‘yung experience sa sinehan ‘pag nanood ka.‘tong pandemya na ito,” pahayag pa ni Sen. Bong.

Samantala, sa nakaraang virtual mediacon ng Agimat ng Agila ay tila hindi pa handa si Rabiya Mateo na pag-usapan si Jeric Gonzales.

Tinanong na lang namin kung alin ang mas mahalaga sa kanya ang lovelife o ang career.

“Career po talaga ang focus. Opo naman,” matipid niyang sagot.

Pero sabi naman ni Sanya Lopez, okay lang naman ang may lovelife na puwedeng magbigay ng inspirasyon sa kanyang trabaho. “As long as hindi naman nakakahadlang ‘yung lovelife niya, ‘yung relationship niya dun sa career niya… kasi minsan nakakatulong naman ‘yung alam mong merong inspirasyon ka habang nagtatrabaho ka,” payo ni Sanya kay Rabiya.

Magsisimula na ang Agimat ng Agila sa darating na Sabado, Jan. 29, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Maraming ginulat...

Marami ang nabigla sa balitang pumanaw na ang actor at businessman na si Romano Vasquez nung nakaraang Linggo ng gabi.

Kinumpirma ito ng kanyang asawang si Alma Panuelo Dila na nakiusap na igalang na lang ang kanilang pagdadalamhati.

Tulungan na lang daw sana sila sa pagdarasal na maging payapa na ang paglalakbay ni Romano sa kabilang buhay.

Masayahin ang aktor kapag nakakasalamuha namin ito. Naging active siya noon sa direct selling at isa pa nga kami sa kinumbinsing pasukin ito.

Ang dami niyang kaibigan sa showbiz, dahil marunong siyang makisama. Lumalabas-labas siya paminsan-minsan sa ilang TV guestings at na-feature pa nga ang kuwento ng relasyon nila ni Alma sa Wagas ng GTV.

Marami ang nagtatanong kung ano ang sanhi ng pagkamatay, pero nakiusap na lang ang pamilya na bigyan ng katahimikan ang kanyang pagpanaw.

Sa edad na 51 ay iniwan ni Romano ang kanyang asawang si Alma at ang apat nilang anak.

Kasalukuyang nakaburol ang kanyang mga labi sa Imperial Crown Funeral Service sa Purok 6, Brgy, de Ocampo, Trece Martires, Cavite.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Romano Vasquez.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with