^

PSN Showbiz

Ate Vi, mas gusto na talagang magdirek at mag-produce ng pelikula!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Final answer pagkatapos ng termino...

Buo pa rin ang paniniwala ni Congresswoman Vilma Santos na sooner than expected ay muling babangon ang industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Sinasabi nga niyang ang inaasahang pagbaba ng mga kaso ng COVID pagkatapos ng umiiral ngayong surge, at ang pagkakaroon na ng lisensiya ng mga oral medication o gamot sa COVID-19 ay makakatulong nang malaki sa mabilis na pagbabalik natin sa normal.

Ayon sa kanyang pahayag : “Ngayon maliwanag na sa atin kung papaano itatayong muli ang industriya. Very encouraging ang ginagawa ng mga producer na pinalawak nila ang market ng pelikula gamit ang internet streaming, makapagpatuloy lang ang industriya. Magbalik man tayo sa normal, may mga maiiwan na sa internet talaga. Iyong maliliit na pelikulang ayaw ng mga sinehan at hindi makakalusot sa classification ng MTRCB, maiiwan na iyan sa internet.

“Pero ang mainstream movies, alam naman natin na iyan ang life blood ng industriya, at hindi mabubuhay iyan kung walang sinehan,” ulit niya sa ­aming pag-uusap.

Pagpapatuloy niya “Nagkaroon lang ng stalemate, kasi nga may COVID at wala namang sinehan noon, kaya ang ginawa ng mga producer, ang pelikula na kahit na sa internet lang ipalabas ay kikita pa kahit na kaunti. Pero kung bukas na nga ang mga sinehan, natural gagawa naman sila ng mga pelikulang kikita naman nang malaki. Nariyan pa rin naman ang Star Cinema. Nariyan pa rin ang Regal. Ang Viva kahit na may sariling internet streaming, tiyak na gagawa pa rin naman iyan ng mga pelikulang mainstream dahil ang daming malalaking artista na nasa kanila. Kaya nating buhayin ang industriya,”  ang kumpletong pahayag ni Ate Vi.

Talaga bang magko-concentrate siya sa pelikula pagkatapos ng kanyang term?

“Siguro iyong concentration ko hindi na kagaya nang dati na ako mismo gumagawa ng pelikula nang apat o lima sa isang taon. Baka hindi ko na kaya ang ganoong trabaho. Pero may magagawa ngang iba. Sinasabi ko nga na open akong magdirek o mag-produce pa ng pelikula,” sabi pa niya.

Nadine, nagsalita ng tapos tungkol kay James

Ano man ang sabihin ni Nadine Lustre, marami pa ring fans ang hindi naniniwala na naka-move on na siya sa kanilang split ni James Reid. Hindi nga naman ganoon kadali iyon, lalo’t hindi naman sikreto na ilang taon din silang magka-live in. Sabihin mang may iba na siyang boyfriend, nabura na ba talaga sa isip niya si James?

Isa pa, tatayo ba ang kanyang career nang walang suporta si James?

Mag-click kaya siya sa ibang leading man? Hindi ba sinasabi ring bagsak ang last two movies niya dahil hindi si James ang kanyang leading man? Papaano mong sasabihin na totally naka-move on na nga siya?

Sa palagay namin hindi dapat nagsasalita nang patapos si Nadine. Baka isang araw ay kailangan niyang maki­pagmabutihan ulit kay James dahil sa kanyang career.

Eh bago naman kasi sila nagtambal na dalawa eh hindi naman halos napapansin si Nadine. Noon na lang makapartner niya si James at saka siya naging star.

Kumakandidatong male star, nakalkal ang sex video

Tawa kami nang tawa doon sa kuwento sa isang political gathering, ang pinag-usapan at inilabas pa sa isang projector ay ang sex video ng isang male star na kandidato ngayon.

Marami ang na-shock nang makita ang kanyang sex video. Hindi nila akalaing magagawa niya iyon. Pero hindi naman inamin ng kandidatong male star kahit na noong araw na siya nga ang nasa sex video. Deadma siya sa issue na iyon. Marami pang ibang nabubungkal na issues, pati na ang background ng kanyang pamilya.

Pero iba talaga ang pulitika eh, talagang lahat ng baho mo ilalabas.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with