^

PSN Showbiz

Kakikayan ni Marian, nabuhay sa bulaga!

Pilipino Star Ngayon
Kakikayan ni Marian, nabuhay sa bulaga!
Marian
STAR/ File

Sarap talagang panoorin ang kakikayan ni Marian Rivera na nakipagsabayan sa pagpapatawa kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa Sgod Bahay segment ng Eat Bulaga.

Binalikan ng Bulaga ang episode ni Yan sa Sugod Bahay sa recap episodes ng noontime show na ginagawan ng baong introduction ng hosts.

Una naming napanood ‘yung episode ng Sugod Bahay nang sa halip na bahay ang nasugod eh sa isang bus nakatira ang natawagan.

Eh may bulutong pa ‘yung natawagan pero mas natakot umakyat si Jose kesa kay Yan na walang takot sa bulutong!

‘Yung isang episode, naligaw siya kaya sa ibang lugar napunta. Sa episode na ‘yon, binigyan niya ng isang relo ang anak ng babaeng nasugod at puhunan ni Yan na pera para sa ama na na-stroke at inaalagaan ng anak.

Noon pa man, fresh at laging mabango ang dating ni Marian, huh!

Atty. Joji, sanib-puwersa sa GMA

Makikipag-collab na rin ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso sa una niyang series sa free TV na ididirek ni Jeffrey Jeturian.

Naayos na ang concept ng series noon pang 2020 ayon sa Facebook post ni Atty. Joji at sa pakikipagtulungan sa Sparkle GM Artist Center, Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan, ready nang simulan ang project.

Bida sa soap ng Quantum sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Mata sa What We Could Be at gagamitin ang single na Paano through the help of MCA Music at Zack Tabudio.

JOSE MANALO

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with