^

PSN Showbiz

Young actress, nagiging nega sa pang-aangkin sa kanyang ka-loveteam!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Usap-usapan ngayon ng mga Marites na may bagong ipinanganak na negatron sa showbiz. Sa paglalarawan ng mga Marites ay naapektuhan na nang kakarampot pa lang niyang popularidad ang tinutukoy nilang negatron.

Sawsawera. Patola. Nangangaral na akala mo guro. Mapagmarunong. Kung susumahin ang mga nabanggit niyang ugali ay isinilang na nga ang bagong nega ng showbiz.

Kuwento ng aming impormante, “Hala! Napakaaga naman yata niyang nagkaganyan? Kabata pa niya! Saka wala pa naman siyang napapatunayang puwede niyang maipagmalaki kundi ang mga ser­yeng hindi lang naman siya ang bumibida!

“Dalawa sila! Hindi niya maaagaw ang kredito na siya lang ang nagpapataas ng rating ng serye, hindi siya nag-iisa!” unang komento ng aming source.

Magaling kung sa magaling umarte ang female personality. Nakukuha niya ang puso ng manonood. Kaya lang ay maraming hindi nagkakagusto sa madalas niyang pagpatol sa mga pumapansin sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Nag-artista siya, itininda niya ang kanyang buhay sa publiko, alangan namang puro papuri lang ang matanggap niya? May pumansin lang sa ginagawa niya, pagbibintangan niya na agad na naninira?

“Tatawagin na agad niyang tsismosa at walang magandang magawa sa buhay? Aba, negang-nega nga siya! Dapat, e, tanggapin niya kahit ang mga hindi kagandahang pagpansin sa kanya!

“Huwag siyang nakikipag-away sa mga pumapansin sa kanya, lalo na sa mga bashers, dahil wala siyang panalo!” madiing sabi ng aming source.

Mainit kuno palagi ang ulo ng female perso­nality ngayon dahil ang kanyang ka-loveteam ay mukhang nagiging sobrang close na sa kasabayan niyang babaeng personalidad.

Sabi ng aming source, “Ano naman ang pakialam niya kung nakikipag-close man ang girl sa ka-loveteam niya? Pag-aari na ba niya ang male personality?

“Lalong iinit ang ulo niya kapag nalaman niyang ‘yung male personality pala ang may gustong maging close sila ng girl!

“Loveteam? Hanggang sa harap lang ng mga camera ang closeness nila, hindi niya nabili ang male personality, puwede siyang makipag-close kahit kanino! Ayan tuloy, negang-nega na ang dating niya!

“Naku, girl, tantanan na kasi ang pagiging patola na may kasahog pang pangangaral! Huwag siyang mangamba dapat, public figure siya, kaya hindi niya mapipigil ang gustong sabihin ng iba na hindi niya matanggap!

“Huwag siyang mangamba, part ng pag-aartista ‘yan, alangan namang mapilit niya ang buong mundo na gustuhin siya?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Hindi kailangan ng datung, Derek hindi na interesadong magtrabaho?!

Totoong hindi matindi ang pangangailangan ni Derek Ramsay. Napaka­yaman ng kanyang pamilya at siya mismo ay may sariling perang pinagpaguran niya.

Hindi siya apektado ng pandemya. Kung ang maraming artista ay nag-aalala sa kanilang kinabukasan dahil sa kawalan ng trabaho, kabaligtaran naman ‘yun ng aktor, kahit ilang taon pang manirahan ang pandemya sa ating bayan ay hindi siya kakapusin.

Pero artista si Derek, personalidad na marami nang napatunayan, mahal na mahal ni Derek ang kanyang propesyon. Hinahanap-hanap din siyempre siya ng marami.

Mula nang maging magkarelasyon na sila ni Ellen Adarna ay wala nang ginawang proyekto si Derek sa telebis­yon man o pelikula. Meron siyang kontrata sa GMA-7 na malapit nang matapos, ewan lang kung interesado pa rin siyang magtrabaho, puwede rin namang hindi na masyadong interesado sa kanya ang network.

Sayang naman kung mababalagoong na lang ang talento ni Derek. Isa siya sa pinakamabentang leading man, kumikita ang kanyang mga pelikula, sayang na sayang ang panahon.

Hindi siya mapipilit magtrabaho. Kung mas gusto niya ang ganyan na panay-panay lang ang pag-a-acrobat nila ni Ellen ay wala namang makapipigil sa kanya.

‘Yun ang kanyang kaligayahan, du’n siya masaya sa paghaharutan nila ni Ellen sa kanilang mga account, walang ibang makapagbibigay sa kanya nu’n.

Sabi ng isang male personality na nakakuwentuhan namin, “Suwerte ni Derek, kahit hindi siya magtrabaho, e, mabubuhay siya nang maayos. Mayaman kasi!”

Sa biglang paghusga ay ganu’n nga ang masasabi ng marami, malaking bentahe ni Derek ang pagiging mayaman, pero sa usapin ng kanyang karera ay maligaya rin kaya siya?

Iba ang nakasanayan na. Hinahanap-hanap ‘yun ng ating sistema. Hindi kumpleto ang ating buhay kapag wala.

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with