^

PSN Showbiz

Mayor Joy at PM, araw-araw naglilibot sa Quezon City

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy at PM, araw-araw naglilibot sa Quezon City
Mayor Joy
STAR/ File

Talagang kita mo ang effort nina Mayor Joy Belmonte at PM Vargas para mabakunahan lahat ang Quezon City.

Talagang tinatawagan bawat barangay, mga leader ng bawat community para sa sked ng bakuna. Talagang gusto nilang Protektodo ang QC, safe para sa lahat. Pati basura talagang nakikita mo na regular na kinukuha ng basurero, inaayos mga sirang lugar, more police visibility.

Ay naku, talagang QC is my home kasi ok ang leaders ng city ko. Imagine mo, Mayor Joy Belmonte, PM Vargas, halos araw-araw naglilibot para i-check ang paligid. You feel safe ‘di ba?

Bongga talaga.

Dra. Vicki at Yasmien, tahimik at masaya sa buhay

Halos magkasunod ang birthday nina Dra. Vicki Belo at Yasmien Kurdi.

Bongga dahil parehong very happy ang private life ng dalawa. Mukhang cool ang pagsasama ngayon nina Dra. Vicki at Dr. Hayden Kho.

At happy together naman sina Yasmien at Rey, ang pilot husband niya.

Mukhang very loving partner ang mga January-born na babae, dahil kitang-kita mo how they protect their married life.

I am so happy lalo na kay Yasmien na kita mo how she handles herself being a mother and wife, at ‘yung pag-grow niya sa kanyang career.

Happy naman ako kay Dra. Vicki dahil at last parang tahimik na ang lahat para sa kanila ni Dr. Hayden. Tapos na ang mga intriga at ang pagpapalaki na lang kay Scarlet ang kanilang binabantayan.

Two happy birthday celebrants, two happy wives, two good people, deserving lasting happiness. Enjoy life, Dra. Vicki Belo and Yasmien Kurdi.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with