^

PSN Showbiz

Anak ni Jodi, ayaw na ayaw manood ng kanyang teleserye!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Jodi, ayaw na ayaw manood ng kanyang teleserye!
Jodi at Thirdy.

Ayaw na ayaw palang manonood ng anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy ng mga teleserye niya.

Affected daw kasi ito sa mga eksena niyang ginagawa. “Lagi ko siyang tinatanong kung bakit ayaw niyang manood ng teleserye ko. Ayaw niya raw akong nakikitang umiiyak. Ayaw niya akong nakikitang nagagalit o inaapi. Nagagalit daw siya sa kaeksena ko.

“Kaya kailangan mong i-explain na kaibigan ko ang kaeksena ko. Pero siyempre protective eh,” chika ni Jodi kahapon sa media conference ng ABS-CBN drama series na The Broken Marriage Vow, ang Philippine adaptation ng Doctor Foster na mapapanood na simula Enero 24.

Though kahit daw siya ay laging kinakabahan at may awkwardness ‘pag pinapanood ang sarili sa TV.

Anyway, maninindigan si Jodi para sa tama pagkatapos siyang lokohin ng asawa niya sa The Broken Marriage Vow.

Mahaba ang tatahakin ng karakter ni Jodi na si Dra. Jill Ilustre mula sa isang pagiging mapagmahal na asawa at ina hanggang sa mapuno ito ng paghihiganti at galit. “Si Dr. Jill Ilustre ay isang babae na binibigyang halaga ang kanyang pamilya. Mapagmahal na ina, maasikasong asawa, compassionate na tao in the sense na she really cares for the patients na meron siya. ‘Yung pagkatao niya na naka-anchor sa love, which is what makes her character relatable,” sabi ni Jodi.

Ang pagiging maprinsipyo ang isa sa mga pinakamahalagang katangian ni Jill, kaya’t kapag may nakikita siyang mali ay pinipilit niya itong itama. “Passionate siya when it comes to fighting for the people she loves and for the things she values,” paliwanag pa ni Jodi. “She’s always calm and collected but she wants to show dominance and control over any situation.”

Pero hindi perpekto ang buhay ni Jill. Masisira ang lahat sa oras na malaman niyang pinagtataksilan siya ng mister na si David (Zanjoe Marudo) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). Mapapagitna naman sa away nilang mag-asawa ang nag-iisa nilang anak ni David na si Gio (Zaijian Jaranilla)

Dahil sa prinsipyong pinanghahawakan ni Jill, pilit niyang ibabalik ang dignidad na nawala sa kanya at gagawin ang lahat para makapaghiganti sa mga taong sumira ng buhay niya.

Mapapanood na ang pagganap ni Jodi bilang si Jill sa The Broken Marriage Vow ngayong Enero 22 sa iWantTFC, dalawang araw bago ito ipalabas sa TV. Mapapanood din ito simula Enero 24, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at TFC.

Kasama rin sa cast sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, at JB Agustin, kasama ang special participation nina Susan Africa at Ronnie Lazaro.

Kinunan nang buo sa Baguio ang The Broken Marriage Vow sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay kung saan nag-lock in sila for two months.

Na ayon pa kay Jodi na kahit nakauwi na raw siya ng bahay ay  napapanaginipan pa niya ang taping nila dahil sa nabuo nilang habit sa kanilang bubble for two months.

 

 

JODI STA. MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user