_ngayon
^

PSN Showbiz

Kris, mas tamang bigyan ng oras ang kalusugan!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, mas tamang bigyan ng oras ang kalusugan!
Kris.

Mabuti naman at talagang bibigyan na ng buong pa­nahon ni Kris Aquino ang kanyang health problem. Grabe na talaga ang bagsak ng kanyang katawan.

Pero ‘yung pagtulong niya hindi pa rin niya nakakalimutan.

Nagpadala siya ng mga pagkain sa health workers ng PGH. At talagang basta sa pagtulong, walang ingay niyang ginagawa.

Talagang ipinapakita ni Kris na kahit hindi siya active sa career o anuman, ‘yung pagtulong niya tuluy-tuloy. Sariling pera niya ang ginagamit niya sa pagbibigay ng tulong, at kung may mga ipinagkatiwala ang pagbibigay ng suporta nila, hindi mo maiwasan dahil nga sa malaki ang tiwala nila kay Kris.

Gaya ng Puregold na talagang kay Kris ipinagkatiwala ang distribution ng canned goods na gusto nilang ibigay sa mga biktima ng Odette. Alam na kasi ng private sector na talagang alam ni Kris kung paano ma-distribute ang lahat ng walang red tape o anomalya.

May sakit pa niyan si Kris ha, pero nagagawa pa rin niya na tumulong.

Sana nga ay maayos na ang health ni Kris, gumaling na siya at bigyan uli ng lakas para sa mga bagay na gusto pa niyang gawin.

Go Kris, pagaling ka.

Heart, hindi kailangang ipaliwanag ang lifestyle

Ewan ko naman kung bakit parang ayaw tigilan si Heart Evangelista ng mga puna tungkol sa lifestyle niya. Lahat ng suot niya sa I Left My Heart in Sorsogon parang may price tag na pinapansin ng followers.

Lahat naman gamit ni Heart, personal niyang wardrobe, sarili niyang bag at shoes. So ano ang problema kung gusto niyang isuot?

Kanya iyon, binili niya, pera niya. Hindi naman niya siguro ipinagyayabang.

Hindi ko ganun ka-close si Heart, pero nakasama ko siya sa trabaho. In fairness mabait siya sa tao, hindi siya moody, magalang siya sa lahat ng kasama. Saka hindi siya maepal sa set, tahimik lang.

Kaya I find it unfair na para bang ang dami niyang palpak na parang la­ging pinupuna.

She can wear what she wants, do and say ang gusto niya. Basta wala siyang sinasaktan na tao, wala siyang dapat ipaliwanag. Heart Evangelista is Heart Evangelista after all, kaya so be it.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with