_ngayon
^

PSN Showbiz

Male personality, maligaya na sa piling ng iba matapos masaid ang pera ng asawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Habang nagdurusa ngayon ang isang non-showbiz girl na nakarelasyon ng isang kilalang lalaking personalidad sa kanyang piniling larangan ay nagsasalimbayan ang maraming kuwento.

Tinubos ng babae ang lalaki sa malaking pagkakautang sa isang sugalan. Hindi makauwi ang lalaki, pinipigilan ng mga tauhan ng sugalan, may nakapagparating sa babae ng kuwento.

“So, ang ginawa ng girl, binayaran ang kung ilang milyong utang sa sugalan ng lalaki. Naamuyan ng male personality na anak-mayaman ang babae. Niligawan niya, hangggang sa naging sila na nga,” buwena-manong istorya ng aming impormante.

Maraming pagpapanggap na naganap. Nagpakilala ang babae na anak siya ng isang milyonaryong businessman. Binigyan na siya ng mana, silang magkakapatid, kaya mapera siya.

Sabi uli ng aming source, “Natural, naniwala naman ang lalaki, ‘yun naman talaga ang image ng guy, di ba? So, nu’ng magkasama na sila, e, nagpatuloy pa rin ang bisyo ng guy. Sugal-to-the-max pa rin siya na siyempre, sa girl nanggaling ang puhunan niya!

“Sunod ang luho ng lalaki, ayaw siyang magmukhang kawawa ng girl, kaya kung ano ang meron ang mga katrabaho niya, kailangang meron din ang guy!

“Walang alam ang lalaki sa buhay ng girl. Ang alam lang niya, e, mayaman ang pamilya ng girl, nakakuha na ng mana, hanggang du’n lang!

“Hindi alam ng guy na matagal na palang may ginagawang ilegal ang babae. Kaya pala la­ging umaalis, kung saan-saan siya nakararating. Inaasikaso kuno ang kanyang mga negosyo. Okey lang naman ‘yun sa lalaki, anytime niya kasing kailangan ng datung, meron agad!

“Nagagalit pa ang guy kapag hindi siya binibigyan ng pera ng babae. Natural, mahal na mahal siya ng girl, kaya natatakot na iwan niya at ipagpalit sa iba,” patuloy ng aming impormante.

Nu’ng maamuyan ng lalaki na purdoy na ang girl at wala nang maibibigay sa kanya ay bigla na lang itong nawala. Malukring-lukring siyempre ang babae dahil wala na siyang pera ay iniwan pa siya ng lalaking mahal na mahal niya.

Opinyon ng aming source, “Para kasing baklang magmahal ang girl. Ibibigay niya ang lahat, kese­hodang marami nang naghahabol-naniningil sa kanyang mga pagkakautang!

“Nakakalungkot. May iba nang karelas­yon ngayon ang guy, ang babae naman, nagdurusa ngayon. May tuldok na ang istorya nina Romeo and Juliet,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mga natatawagan ni Willie, nag-iiyakan

Paboloso at malawak ang nabiling proyedad ni Willie Revillame sa Iruhin, Tagaytay. Malapit lang ang ari-arian ng TV host sa Palace In The Sky na dinadayo sa siyudad.

Limang taon na ang kanyang mansiyon, tatlong taon na ang mga ipinagawa niyang villa, kitang-kita ang Taal volcano at Taal Lake mula sa kanyang bahay.

Nasa ikaapat na palapag ang kuwarto ni Willie. Putimputi ang kulay ng lahat ng kanyang mga kagamitan. Walang ibang kulay na makikita sa kanyang bedroom.

Sa isang bahagi ng kanyang mansiyon ginaganap ngayon nang live ang Wowowin-Tutok-To-Win. Sinikap niyang ipagpatuloy ang airing ng kanyang programa para makapagbigay siya ng tulong sa ating mga kababayan.

Ganu’n din ang ginawa niya nang abutan siya ng lockdown sa bahay-bakasyunan niya sa Puerto Galera. Nag-live show siya du’n na kulang-kulang ang kanyang mga equipment, mairaos lang ang Wowowin, hanggang sa payagan na siyang lumipat sa Wil Tower.

Nag-iiyakan ang mga tinatawagan ni Willie, malaking biyaya kasi ang ipinamamahagi niya araw-araw, lalo na ngayong naka-Alert Level 3 sa maraming probinsiya.

“Ginawan ko talaga ng paraang makapag-show kami nang live. Konting ilaw lang muna sa unang araw, hanggang sa nakumpleto na namin ang equipment. SNG (satellite network gathering) lang naman ang importante, ‘yung magbabato ng nangyayari sa GMA-7 para mapanood ng mga kababayan natin ang show,” paliwanag ni Willie.

Aminado si Willie na mahirap ang ginagawa niya, lima lang kasi silang nagpapatakbo ng show, wala ring mga dancers na nakasanayan na ng manonood.

Lagi kaming naniniwala na kapag gusto ay may paraan pero kapag ayaw ay maraming dahilan. Sobrang mahal ni Willie ang kanyang programa, mahal na mahal din niya ang mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda, hindi siya titigil hanggang kaya pa niya.

“Para lang tumakbo ang show, kung anu-anong games na lang muna ang ginagawa ko. Ano ang kulay ng suot ko, ng medyas ko? Kapag tama ang sagot, twenty thousand na agad ‘yun! Naglaro na rin kami ng beto-beto na parang sa peryahan!

“Wala pa kasi akong staff, naka-quarantine sila, kaya ganito muna ang mga palaro namin. At least, nakatutugon tayo sa pangangailangan ng mga kababayan natin,” kuwento pa rin ni Willie Revillame.

Panalo!

SHOWBIZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with