_ngayon
^

PSN Showbiz

Robin, nakikiusap na ipagdasal na lang si Kris!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Robin, nakikiusap na ipagdasal na lang si Kris!
Robin.

Nag-aalala na rin si Robin Padilla sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino. Marami ang umayon sa kanya na dapat ngang ipagdasal na si Kris sa kanyang kalusugan.

Sabi ni Robin sa kanyang Facebook na ipinost niya kahapon;

“Bismillah.

“Mga mahal kong kababayan

“Ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo

“Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan.

“In shaa Allah.”

Ang pagkakaalam ko ay humihingi na raw ng tulong si Kris sa Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez para maayos ang mga papeles para makapagpagamot na siya sa Amerika.

Sana maayos ito agad, ang agarang paglipad ni Kris patungong ibang bansa.

Lotlot, ayaw tantanan ng mga nanunumbat

Na-appreciate raw ni Lotlot de Leon ang mga taong naintindihan ang pananahimik niya tungkol sa kanyang Mama Guy. Muli kasi itong napag-usapan nang dumalaw ang mga anak ni Nora Aunor, bukod lang kay Lotlot. Kaya siya ang kinukulit kung kailan ba siya dadalaw o deadma na lang.

Naintindihan naming ayaw na niyang magpa-pressure na porke’t dumalaw ang mga kapatid niya, kailangan na rin niyang sumunod.

Naniniwala kami sa tamang panahon, dahil malalim ang pinaghugutan nitong isyu ng mag-ina. Kaya nung tumanggi si Lotlot na magbigay ng pahayag, hindi na namin kinulit. Pero hindi nakapagpigil ang aktres nang pinuna siya at inalipusta nang husto ng isang netizen na obvious na isang die-hard Noranian.

Matindi ang komento laban sa kanya na sinasabing matigas daw ang puso niya, na sana huwag daw ito gawin ng kanyang anak.

May panunumbat pang kung hindi siya inampon ng aktres, hindi niya inabot ang ganitong buhay.

Bahagi ng comment na ‘yun na ipinarating kay Lotlot; “Siguro kung dk nya inampo wala k sa kalagayan mo ngayon. “Nkita naming lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas?”

Pinatulan na ito ni Lotlot, pero maayos naman ang sagot niya.

Aniya; “Ay! Ang puso mo hinay hinay po…Pero teka. Baka kulang pa po sasabihin nyo? Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo? Okay…noted po! Noted na noted po!”

May mga nagtanggol naman kay Lotlot, pero maaaring hindi pa rin nila ito titigilan ng pambubuska.

ROBIN PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with