_ngayon
^

PSN Showbiz

Mike at Arnold, nagpapagaling pa rin

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Mike at Arnold, nagpapagaling pa rin
Mike at Arnold.

MANILA, Philippines — Miss na miss na sina Mike Enriquez at Arnold Clavio ng kanilang listeners sa morning programa nila sa DZBB. Silang dalawa ang pampagising sa listeners sa GMA AM radio sa pagbibigay ng balita.

Maging ang viewers ni Mike sa 24 Oras at ni Arnold sa Saksi eh, nagdarasal na malampasan nila ang dinadaanang krisis sa kanilang kalusugan.

Nagpahinga muna sa radio at TV si Mike dahil pinayuhan ng doctor na sumailalim sa medical treatment. Tinamaan naman ng COVID-19 si Igan Arnold kaya pahinga at pagaling muna.

Sa tambalan naman nina Mark Salazar at Susan Enriquez sa radio, solo muna si Mark. Phone patch ang ginagawa ni Susan ‘pag nakasalang sa ere. Wala kaming balita kung ano ang dahilan si Susan na sa phone muna umere.

Pagaling kayo, Mike at Arnold, dahil kailangan kayo ng mundo ng pagbabalita, huh!

Miguel, bibida sa #MPK

Bagong episode ng Magpakailanman ang mapapanood ngayong Sabado sa Kapuso Network.

Tampok sina Miguel Tanfelix, Saviour Ramos at Paul Salas sa Footless and Fearless: The Diego Garcia Story.

Sa ganap na 7:15 p.m. na ang bagong oras ng #MPK.

MIKE ENRIQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with