_ngayon
^

PSN Showbiz

Mark, hindi nawawala ang nararamdaman kay Claudine

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mark, hindi nawawala ang nararamdaman kay Claudine
Claudine
STAR/ File

Aminado si Mark Anthony Fernandez na love pa rin niya si Claudine Barretto. “As an actress, as a friend. Crush-wise, hindi nawala ang pagka-crush ko sa kanya all these years. Lagi ko siyang crush,” pag-amin ni Mark sa media conference some days ago para sa kanilang reunion movie na Deception.

Boss Claudine rin ang tawag ng actor sa actress kaya naman natutuwa si Claudine.

Banggit din ng actress na wala rin silang ilangan dito kahit na nga ang tagal nila bago nagtambal uli sa pelikula.

“Walang ilangan. Happy ako. Ano pa ba ang pwedeng hilingin?

“Palagi kaming nagtatawagan ni Mark while shooting this movie regarding the issues, scenes namin sa movie.”

Mapapanood ngayong Jan. 28 ang Deception kung saan malalaman sa kuwento ang katotohanan sa likod ng kasinungalingan na dinirek ni Joel Lamangan.

Drama-mystery film ito na kuwento nina Rose (Claudine,) isang sikat na aktres, at ni Jericho (Mark Anthony) isang stunt double, na nahulog sa isa’t isa at nagpakasal. Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. Kung titingnan, isa na itong maayos na pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira.

Maaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng sampung taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan at mamumulat sa mundo nang walang magulang.

Sobrang tagal na ang huling pelikula nila, at sa kanilang mga interview, wala raw silang ibang naram­daman kundi excitement nang malamang tuloy ang reunion film nilang ito na sadly ay hindi napasama sa 8 official entries ng MMFF 2021. “Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, ‘yun  ang napansin ko,” sabi ni Mark, “Working with Mark is very easy and we really have a good rapport,” dagdag naman ni Claudine tungkol sa ex.

Si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Film Production ang pursigido na tapusin ang pelikula na mapapanood exclusively, simula ngayong Jan. 28 sa Vivamax.

CLAUDINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with