_ngayon
^

PSN Showbiz

Mayor Joy, ramdam na ramdam ang pagmamahal sa Quezon City

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, ramdam na ramdam ang pagmamahal sa Quezon City
Mayor Joy
STAR/ File

Excited ang apo-apohan kong si MJ sa kanyang bakuna day bukas.

Talagang ang ganda ng vaccination system ni Mayor Joy Belmonte dahil ngayon, mga 12 years old naman ang babakunahan nila.

Halos buong Quezon City na ang bakunado kaya feeling safe ka ‘pag nasa labas. Kahit nga there was a time na nag-positive si Mayor Joy talagang hindi pa rin ito huminto sa trabaho.

Para sa akin, the best Mayor talaga para sa QC si Joy dahil feel na feel mo ang kanyang pagmamahal sa lahat ng nasasakupan niya.

May nagsabi pa sa akin na pinupuntahan niya talaga ang mga lugar ng bakunahan para mag-check.

Bongga Mayor Joy Belmonte, talagang hangang-hanga kami sa inyo for the job well done. Thumbs up.

Gerald, ayaw tantanan sa bigay na Rolex kay Julia

Daming intriga ng ibinigay na Rolex watch ni Gerald Anderson kay Julia Barretto hanggang ngayon ha.

Kung si Julia raw nabigyan ng Rolex watch, ano naman kaya ang binigay kay Bea Alonzo na twice naging GF ni Gerald?

Saka bakit daw noong sina Gerald at Bea wah balita ng kung ano ang regalo, bakit ngayon si Julia nabalitaan na ng lahat?

Pati tuloy si Dominic Roque naintriga kung ano ang iniregalo kay Bea.

Sarap palang maging BF si Gerald, high lifestyle ang peg sa pagregalo. Lalo pa siguro sa pamilya niya, baka mas generous pa si Gerald.

BEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with