_ngayon
^

PSN Showbiz

Mark Anthony at Claudine, ‘di na bagay balikan ang nakaraan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mark Anthony at Claudine, âdi na bagay balikan ang nakaraan!
Mark Anthony at Claudine
STAR/ File

Naku sabihin mo kay Mark Anthony Fernandez, Salve, na huwag nang magbalik-tanaw sa nakaraan nila ni Claudine Barretto.

Pareho nang maayos ang buhay nila ngayon at manatili na lang silang friends para mas maganda pa ang maging samahan nila.

Mga bata pa sila noon at siguro nga hindi itinakda na sila ang maging magkasama sa buhay, kaya hayaan na nila ang nakaraan.

Pareho na rin silang may mga anak na at iyon na lang siguro ang asikasuhin nila sa ngayon.

‘Yung balikan at this point ng buhay nila para naman hindi na magiging maganda pa ang resulta.

Mas magandang ayusin na lang nila ang sitwasyon nila sa ngayon, palakihin ang mga anak nila nang mahusay, at maging the best of friends na lang.

Maggie, ‘di puwedeng ikumpara ang Pinas sa UK

Totoo naman ang talak ni Maggie Wilson na sobra kung sisingilin ka ng P10K sa antigen kits.

Kahit huwag nang libre, basta mas mababa naman. Kasi ok nang libre ang bakuna natin, ok na rin ‘yung facilities para sa COVID patients, pati quarantine, iyon lang testing ang dapat medyo babaan naman ang singil.

Huwag na ring ikumpara ni Maggie sa UK ang Pilipinas, hindi naman tayo ganun kayaman. Basta nakikita naman nating merong malasakit ang gob­yerno natin sa atin, ok na. Kumpara nga sa iba, maayos pa ang lagay natin, mabilis din naman ang kilos ng lahat para labanan ang COVID.

Talagang kita mo na inaayos talaga ang bakuna. Huwag lang tayong mawalan ng pag-asa at huwag mag-panic. Basta malaking bagay na hayan, gumagalaw ang Health Department natin, mga doktor, nurses lahat tulung-tulong para masi­guro na maayos tayo.

MARK ANTHONY FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with