^

PSN Showbiz

Mang Dolphy, may tribute sa show ng mga anak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Masaya ang taga-Net 25 sa pagsisimula ng bagong comedy show na Quizon Comedy Thea­ter o Quizon CT dahil ito raw ay pinakamataas na naitalang viewership nung araw na ‘yun.

Tampok sa programang ito sina Eric, Epi at Vandolph Quizon. Kasama rin ang asawa ni Vandolph na si Jenny Quizon, at iba pang magagaling na komedyanteng sina Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero at ang dating finalist sa Miss Universe Philippines na si Billie Hakenson.

Konsepto ito ng magkakapatid na Quizon na dinidirek nina direk Eric at Epi.

Matagal na raw nilang konsepto ito na nai-pitch na rin sa iba’t ibang network.

Maganda ang konsepto ng Quizon CT, na bale tribute na rin sa kanilang ama, ang Hari ng Komedya na si Mang Dolphy.

Aminado naman ang magkakapatid na Quizon na hindi nila kayang pantayan ang pagpapatawa ng kanilang Daddy.

Hanggang ngayon, sa TikTok, ay ang dami pa rin talagang natatawa at nagsi-share ng mga dating sitcoms ni Mang Dolphy, lalo na ang John en Marsha. “’Yung mga John en Marsha, puwede naming gawin, pero mahirap pantayan. Nasa pag-uusap na lang namin nila direk yan,” pakli ni Vandolph.

Sabi naman ni direk Eric, meron naman daw silang ilang segments sa Quizon CT na binabalikan nila ang dating jokes at comedy scenes ng kanilang ama. “We have a portion talaga na Dolphy classics.Dun namin ilalagay ‘yung ibang sketches ng Daddy na nag-hit sa mga tao. Kaya meron kami talaga na Dolphy classics. And basically of course to reminisce and emulate din, and at the same time pagbibigay tribute sa mga ginawa ni Daddy.

“May nagsa-suggest na ipakita ‘yung old clips tapos gagawin namin. Sabi ko, ayokong ipakita ‘yung old clips kasi matatabunan lang kami.

“Pero sana ma-appreciate ng mga tao ang gagawin namin,” pahayag ni direk Eric.

Bilang mga anak ni Mang Dolphy, nakaka-proud daw na hanggang ngayon at natatawa pa rin ang mga kabataan sa kanilang ama. “Nakakataba ng puso na alam mo na ‘yung iba nga halos bata pa sila nung buhay pa tatay ko, pero tinatawanan pa nila.

“So, nakakataba ng puso na hanggang ngayon ay buhay pa ang tatay ko in terms of comedy. Buhay sa Pilipino ‘yung in terms of making people laugh.

“Kami ng mga kapatid ko, tina-try lang namin ibalik ‘yung spirit na ‘yun, ‘yung spirit ng Daddy na ‘yun. Binubuhay lang namin ‘yung spirit na ‘yun,” saad ni Epi Quizon.

Mapapanood sa Net 25 itong Quizon CT tuwing Linggo ng 8 ng gabi pagkatapos ng Tara Game, Agad Agad ni Aga Muhlach.

Wendell, hindi pinatulan si Direk Erik

Mabuti at kasali si Wendell Ramos sa nakaraang virtual mediacon ng Prima Donnas, kaya hiningan namin siya ng sagot sa mga sinabi ni direk Erik Matti tungkol sa pag-alis diumano ni Wendell sa shoot ng OTJ: The Missing 8.

Binanggit pa noon ni direk Erik sa isang interview sa kanya na ayaw na niyang makatrabaho si Wendell dahil sa ginawa nito sa kanilang shooting. Basta na lang daw iniwan ng aktor ang isang big scene na dapat ay kasama siya.

Sa paliwanag sa amin, lumagpas na sa oras ng shooting ang nasabing eksena ng aktor at kailangan na niya talagang umalis dahil dapat ay papasok na siya sa lock-in taping ng Prima Donnas.

Matagal na rin naman daw kasing committed si Wendell sa afternoon drama na ito ng GMA 7. “Alam naman po ng production eh. May mga scene po na nangyari pong ganun na I have to go back sa Prima Donnas, and nag-ayos naman po ng schedule ko nun is under PPL. Hindi naman po ako gumagawa ng move without the permission of my agency, and PPL. I think they’re all good naman.

“Ang maganda naman kasi dun, kasama ko po ‘yung from the office which is my handler, at that time na nandun kami nung madaling araw.”

Ayaw na lang niyang sagutin ang iba pang sinabi ni direk Erik, dahil baka hindi lang daw siya nasabihan. Sa pagkakaalam daw niya ay naayos ito ng handler niya sa production staff ng OTJ. “Siguro po dun sa side po nila direk Erik Matti na baka hindi lang po sila na-heads up which is siguro nagkataon lang na… wala naman po sigurong intentions na ano… it’s just that hindi lang po siguro nagkaroon ng communication sa production. ‘Yun lang po ‘yun,” pakli ni Wendell.

Mas gusto na lang ng Kapuso actor na mag-focus na lang sa promo ng Prima Donnas na magsisimula na sa Jan. 17.

Ayaw na raw sana niyang palakihin pa ito. “Sigu­ro po nagkaroon lang ng konting... but you know, ayoko nang bigyan ng big fuss out of it, dahil ako lang ang may ano dun, and in the first place, hindi naman ako gagawa ng galaw especially on my part ng wala pong ano ng agency namin, and kung wala rin pong reasons,” maingat na pahayag ni Wendell.

QUIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with