^

PSN Showbiz

Vilma kakaririn ang vlog pagkatapos sa kongreso!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vilma kakaririn ang vlog pagkatapos sa kongreso!
Vilma at Ryan Christian.

Nakaka-good vibes Ang huling vlog ni Cong. Vilma Santos na kung saan ay sinilebreyt niya ang pagsalubong ng 2022 sa Punta Fuego.

Mahigit 16 minutes lang ang vlog na sa huling bahagi nito ay may dance number si Ate Vi at sinabayan ng anak niyang si Ryan Christian.

Ang galing palang sumayaw ng bunsong anak ng kongresista kaya ang daming natuwang netizens at nai-share nila ito.

Nakita ko pa ngang may nag-post sa Tiktok, at ang napupuri ay si Ryan Christian.

Naka-text ko si Ate Vi kahapon ng umaga at nagpapasalamat siya sa lahat na natuwa sa vlog niya. “Wow! Proud of my son Ryan. Mahilig siyang sumayaw at mahilig din siya sa music!

“He sings very well and play drums. Maganda ang boses.

“Lucky can dance too…niloloko lang,” text sa akin ni Ate Vi.

Sobrang nai-enjoy nga raw ni Ate Vi ang pagba-vlog at maaring isa ito sa pagkakaabalahan niya pagkatapos ng term niya bilang representative ng lone distrct ng Lipa, Batangas.

“Happy ako sobra sa vlog ko dahil nagkakaroon ako communication sa mga tao.

“Marami pa akong mga content na nasa isip at excited to share with friends,” dagdag niyang mensahe sa akin.

At ang latest na nasagap namin, may napili na raw script si Ate Vi na gusto niyang gawing pelikula.

Pero wala pa naman siyang napa-finalize lalo na ngayong ang hirap pa ring magtrabaho, lalo na sa sitwasyon natin ngayon na nakakatakot pang magtrabaho. “Merong nagbibigay,” pakli ni Ate Vi.

“You are right…not only sa situation ng COVID, but also may trabaho pa ako. Congresswoman pa rin ako till May 2022. May trabaho pa hahaha!” dagdag niyang text sa akin.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with