^

PSN Showbiz

Piolo at Alden, ala-Marian ang hinahanap!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Piolo at Alden, ala-Marian ang hinahanap!
Piolo
STAR/ File

Talagang lahat yata, ang inaabangan ay ang lovelife ni Piolo Pascual. Kasi mga siya ang pinaka-eligible na bachelor at prize catch sa mga actor natin.

Married na si Dingdong Dantes, Jericho Rosales at sila na lang dalawa ni Alden Ri­chards ang talagang crush ng bayan at hinihintay kung sino ang masuwerte na babae ang huhuli ng kanilang puso.

Si Alden ay 30 years old, samantalang si Piolo ay 44 na kaya naman kinasasabikan na kung kelan magkakaroon ng partner.

Pero malay natin, talagang ayaw ni Piolo ang magkaroon ng kasama sa buhay, tutal naman ay meron na siyang isang anak, si Inigo Pascual kaya gusto niyang maging single buong buhay niya.

Silang dalawa talaga ni Alden ang pahulaan kung kelan lalagay sa tahimik. Sana naman merong girl na umabot sa standard nila, tulad ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes.

Manny, hindi na kailangang magtrabaho habambuhay!

Ang yaman naman ni Manny Pacquiao.

Ang sabi, P9B ang worth niya.

Kung ganun, puwede na talaga na huwag nang mag-work for the rest of his life, at kaya naman siguro dream din ng isang anak niyang lalaki na maging world champion sa boxing.

Si Manny Pacquiao lang ang Filipino boxer na nakaranas ng ganitong buhay, dahil din naging mahusay ang paghawak niya sa kinita niyang pera, at naging maayos nang makamit ang tagumpay.

Ang sarap talagang ulit-ulitin ang success story ni Manny, dahil ito ang talagang patunay na basta pinaghirapan mo, makakamit mo ang pangarap mo. Icon siya sa larangan ng sports kaya naman nagkaroon siya ng P9B, bongga talaga.

PIOLO PASCUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with