^

PSN Showbiz

Kuya Germs, naalala sa Fiesta ng Nazareno!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Kuya Germs, naalala sa Fiesta ng Nazareno!
Kuya Germs.

Anim taon na ngayon (Jan­uary 8, 2016) ang nakararaan nang yumao ang Master Showman, actor at kolumnista rin ng Pilipino Star NGAYON na si German “Kuya Germs” Moreno.

Huli naming nakita si Kuya Germs sa ginawang New Year countdown noong taong iyon, na kahit umuulan pinagpilitan pa rin niyang pumunta dahil sa palagay niya iyon ay isang commitment sa kanilang network. Mahina na rin si Kuya Germs noon dahil inatake siya noong 2015. Pero hindi naging dahilan iyon para siya tumigil.

Ang madalas na sinasabi ni Kuya Germs, hindi siya maaa­ring tumigil dahil maraming mga tao ang umaasa sa kanyang show, lalo na nga ang mga baguhang bini-build up pa lamang niya noon.

At sa huli naming pag-uusap, ipinaalala pa niya sa amin ang pista ng Nazareno sa Quiapo, at Santo Niño sa Tondo kung kailan nagyayaya siyang magsimba nang madaling araw pa lang para hindi masyadong marami ang mga tao sa simbahan. Pero hindi na nga siya umabot doon.

Natatandaan naming mga alas-dose na ng gabi nang tawagan kami ng secretary niyang si Chuchi Fajardo, at sinasabi sa aming nasa St.Lukes ulit si Kuya Germs dahil inatake siya ulit, at “mukhang masama na ang lagay.” Pero sinabi rin niyang “nandito kami pero huwag ka na munang pumunta dahil dadami lang ang tao mas lalong hindi makakapagpahinga si Kuya Germs.”

Maya’t maya ay nakakatanggap kami ng update sa nangyayari sa ospital, hanggang sa dumating na nga ang hu­ling message, “wala na siya”.

Bumaha ang pakikiramay sa kanyang pagpanaw. Halos lahat kasi rito, in one way or another ay natulungan din ni Kuya Germs. Karamihan ng mga sikat nating artista hanggang ngayon ay nagsimula kay Kuya Germs.

Marami siyang napasikat, at nagawang box office stars.

Si Kuya Germs din ang isa sa mga responsible para ang Quezon City ay kilalanin ngang “City of Stars.” Dito rin sa Quezon City niya itinatag ang Walk of Fame Philippines na nagbibigay parangal sa mga artista, atleta at iba pang may nagawa para sa ating bansa.

Nakaka-miss ka Kuya Germs.

Piolo, walang masabi sa kanila ni Shaina

Naging usap-usapan ang mga lumabas na pictures nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao last year na magkasama.

Kaya marami ang gumawa ng conclusion na siguro nga “nag­kabalikan ng dalawa.”

Sinasabing naging mag-syota rin naman kasi sina Piolo at Shaina in the past. Pero laging sinasabi ni Shaina na wala siyang alam tungkol dun. At sinabi nga ni Piolo na wala nga ang nasabing photos nilang lumabas at what you see is what you get daw ayun sa kanyang isang TV interview.

Film produ, hindi takot malugi

Iba rin ang drama ng “ganda-gandahang” film producer, na bagsak na naman ang pelikulang indie nitong nakaraang MMFF. Wala naman siyang ginawang pelikulang kumita talaga eh. Makatikim man siyang ilabas ang mga pelikula niya na sinehan noon pa man, kung hindi festival ay ilang araw lang, naka-slide screening pa.

Believe na believe kasi ang ganda-gandahang producer sa kanyang mga bayarang pra la la, na siya lang namang nagsasabi na napakaganda ng mga pelikulang kanyang ginagawa, pero obvious na hindi dahil ayaw ngang panoorin ng mga tao eh.

Sabi nga ng ilang observers mukhang nag-uubos lang ng pera ang ganda-gandahang producer na obvious din naman na ang ginagamit na puhunan sa paggawa ng pelikula ay galing sa “graft and corruption”.

KUYA GERMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with