^

PSN Showbiz

Alyssa at Anji, waging Celebrity Kumunity top 2 sa PBB

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alyssa at Anji, waging Celebrity Kumunity top 2 sa PBB
Alyssa at Anji.

Pagkatapos ng mahigit labing-isang linggo, nagtapos na ang Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan itinanghal na Celebrity Kumunity Top 2 sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Wagi ng tig-P100,000 ang Heartstrong Phenom ng Batangas at Singing Sweetheart ng Siargao na lumabas na sa Bahay ni Kuya noong Linggo (Enero 2) habang isa-isa namang ipinakilala ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Enchong Dee ang mga opisyal na housemate ng Adult Edition. Magkakaroon din ng Top 2 ang Adult Edition at Teen Edition at sila ang makakalaban nina Alyssa at Anji para sa titulong Big Winner ng season na ito.

Nanguna sina Alyssa (22.63%) at Anji (13.60%) sa final tally of votes na pinagsamang Kumu at SMS votes pagkatapos ang 10 million diamonds challenge para sa Final 5 noong nakaraang linggo kasama sina Samantha Bernardo (13.53%), Madam Inutz (13.03%), at Brenda Mage (2.84%).

Samantala, tampok sa tinaguriang The Big Arrival ang magkapatid na si Nathan Juane (Ang Pursigidong Papiloto ng Las Piñas) at Raf Juane (Ang Ms. Beauty Kabo-guru ng Las Piñas), sina Seham Daghlas (Ang Brightminded Darling ng Iloilo),  Zach Guerrero (Ang Smilennial Charmer ng Aurora), at Aleck Iñigo (Ang Most Valuable Rider ng Las Piñas).

Nakilala na rin ng taumbayan sina Thamara Alexandria (Ang Headstrong Hottie ng Davao), Michael Ver Comaling (Ang Mr. Pentastic ng Leyte), Isabel Laohoo (Ang Bubbly Boss Lady ng Leyte), Laziz Rustamov (Ang Modelskarteng Breadwinner ng Uzbekistan), at Gin Regidor (Ang Surviving Sementeryo Girl ng Cebu).

Inanunsyo na rin ang tatlong pang Adult Housemates na makakasama nila na mga nanalo naman sa Online Bahay ni Kuya sa Kumu. Si Andrei King ang Male Kumunity Winner, si Kathleen Ghrasse Agir ang Female Kumunity Winner, at si Roque Coting Jr. naman ang LGBTQIA+ Kumunity Winner.

Sundan ang teleserye ng totoong buhay tampok ang bagong kumunity sa Bahay ni Kuya sa PBB Kumunity Season 10 Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi.

ALYSSA VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with