^

PSN Showbiz

Mano Po, umpisa na sa TV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mano Po, umpisa na sa TV

Mula sa big screen hanggang sa primetime TV. Bubuhayin nga ang legacy ng napakatagumpay na Mano Po film franchise ng GMA Network at Regal Entertainment, sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Nakatakdang ipalabas umpisa ngayong araw Enero 3, ang seryeng ito ay umiikot sa hindi inaasahang pagkamatay ng isang business tycoon at pinuno ng isang kilalang Chinese-Filipino clan. Kaya’t ang mga miyembro nito ay nag-aagawan sa karapatan sa pamilya.

Ang first installment ng nasabing drama series features a grand ensemble of cast led by Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Sunshine Cruz, Maricel Laxa and Boots Anson-Roa as the Matriarch of the Chan family who’s very protective of the family’s reputation.

GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon expressed his delight in the upcoming Mano Po series, “Masaya ako na magpapatuloy ang legacy ng Mano Po sa GMA. Sigurado ako na maraming viewers ang excited na mapanood ang bagong yugto nito sa telebisyon. Walang duda na magiging blockbuster ang programang ito sa Kapuso Network.”

Mapapanood ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, 9:35 p.m. after The World Between Us on GMA Telebabad.

Anak ng aktres, lutang na ang pagiging beki

Very obvious na beki ang anak ng isang inactive actress.

Kahit sa mga post ng kanilang relative, lutang na ang pagiging malamya ng anak ni inactive actress.

Naghihintay lang siguro sila ng right timing bago nila ilantad ang lahat.

Cute at ang tangkad pa naman ni anak ni inactive actress kaya nakakahinayang.

MANO PO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with