^

PSN Showbiz

Followers, may birthday wish kay Alden

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Followers, may birthday wish kay Alden
Alden
STAR/ File

Wish ng fans ni Alden Richards, magka-girlfriend na ito ngayong 30 years old na siya.

Kahapon nga ay sinalubong ni Alden ang kanyang 30th birthday sa Lake Tahoe, California kasama ang pamilya. “Grateful for 30 fruitful years. Thank you for all the greetings. GOD has always been so good.

“P.S. First birthday salubong ko pala to. Hahaha.”

Anjo at Jomari, may isyu sa pera?!

Grabe ang pasok ng 2022 sa pamilya Yllana.

May isyu sila sa pera.

Ito ay matapos ibunyag ni Anjo Yllana na kaya siya nag-withdraw sa candidacy sa pagka-congressman sa isa sa mga distrito sa Bicol ay dahil kinupit diumano ng kapamilya niya ang nasabing mga pondo mula sa kanyang mga sponsor.

‘Yun pala ang pinagbibintangan, diumano, base sa isang deleted post ni Anjo, si Jomari, na kapatid niya.

Sinubukan kong kunan ng statement si Abby Viduya, ang partner ni Jomari, para maging fair naman sa kanila, dahil idinadawit din ang pangalan niya, pero habang sinusulat namin ito ay wala pang reply si Abby.

Aww sana naman kung anumang isyu nila, sila-sila na lang ang magkaalaman, ‘wag nang ibandera sa social media.

ALDEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with